Instruction/Situation: Masasalamin ang yaman ng kasaysayan ng isang sibilisasyon sa mga kntribusyon at naging ambag nito sa kasaysayan na pinakikinabangan pa rin ng mga tao sa kasalukuyang panahon. Isa ang Timog at Kanlurang Asya sa mga rehiyon na ating pinagaralan ngayong lingo at natuklasan mo ang yaman ng kanilang kultura sa pamamagitan ng mga kontribusyon na ipinamana nila sa atin. Gumawa ka ng isang POST CARD tungkol sa mga kontribusyon ng Timog at Kanlurang Asya. Hakbang sa paggawa: 1. Pumili ng isang ambag ang alin man sa Timog at Kanlurang Asya at isulat sa POST CARD. 2. Kumuha ng larawan nito o kaya ay iguhit ito sa POST CARD 3. Isulat sa ibaba kung ano ang ating pakinabang sa ambag na iyong napili sa kasalukuyang panahon. 4. Lagyan ng disenyo at sumangguni sa halimba ng POST CARD sa ibaba.