Makakuha ng pinakamahusay na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang mapagkakatiwalaang Q&A platform. Maghanap ng mapagkakatiwalaang sagot sa iyong mga tanong mula sa malawak na komunidad ng mga eksperto sa aming madaling gamitin na platform. Nagbibigay ang aming platform ng seamless na karanasan para sa paghahanap ng mapagkakatiwalaang sagot mula sa isang network ng mga bihasang propesyonal.

payag ba kayo na magkaroon ng "death penalty" ​

Sagot :

Answer:

Hinde

Explanation:

Kahit na sino ay walang karapatang kumitil at bumawi ng buhay, dahil bilang mga nabubuhay na nilalang, ang ating mga buhay ay may natural na proseso na nagdudulot ng natural na pagkamatay. Hindi kailanman mapapasa ating desisyon kung kailan magtatapos ang isang buhay, kahit gaano man kalala ang mga krimen o mga sirkumstansya ay may nararapat at nauukol na kaparusahan dito, na hindi lumalabag sa karapatang pantao.

Walang sinuman ang maaring pumatay ng buhay na hindi ikaw nagbigay sapagkat ang taong nagkasala sa ating batas ay may kaukulang parusa na ipinapataw ayon sa kanyang pagkakasala. Kaya’t ang parusang kamatayan ay hindi naaayon hanggat hindi pa ito napapatunayan. Lahat ng tao na nagkasala ay may pangalawang pagkakataon para baguhin ang kanyang sarili at magbagong buhay.

Ang epekto ng death penalty sa kanilang mga mahal sa buhay ay napakalaki, para sa akin, at sa mga nabasa ko, napakasakit para sa kanila ang parusang ito, kunin o kitilin ang buhay nang mga nagkasala sa paraang kung paano rin ang kasalanang kanilang nagawa sa kanilang biktima ay tumbasan nang ganong kabigat na parusa, mata sa mata, ngipin sa ngipin, upang mabigyan nang hustisya ang mag naulilang pamilya nang biktima, NGUNIT ito ba talaga ang sagot sa mga karumaldumal na krimen na nangyayari sa ating bansa, dahil may mga kaso nang death penaly na kung saan ang mga ngkasala ay isa rin palang biktima, kaya kung sa ganitong paraan paano pa natin sila mabibigyan nang pagkakataon na patunayan at itama ang kanilang mga nagawa, or paano pa nila maipaglalaban na sila ay inusente kung sa simula palang ay hindi na sila binigyan nang oras at pagkakataon upang ito ay ipakita, mababawi pa ba ang buhay na nawala, maitatama pa ba nang isang pagkakamali ang isa pang pagkakamali diba hindi na. Maraming pagkakataon na ang death penalty ay maaring magamit sa politikal na paraan kagaya nang mga kaso nang sabwatan sa gobyerno upang maitago ang mga pagkakamali o baho nila isang tao ang gagamitin nila upang umako nito at lahat nang mga magyayari ay pasok sa legal na ibidensiya at ang biktimang ito ay hahatulan nang kamatayan nang walang kalaban laban, maaari ring magamit ito nang ibang mga ordinaryong tao na ninanais na makapaghiganti sa kanilang kapwa o kalaban sa sinasabi nilang legal na paraan kung baga hindi sila ang papatay ngunit ang sentensyang death penalty. SOBRANG SAKIT nito sa mga mahal nila sa buhay biktima man o nagkasala mayroon parin silang KARAPATANG MABUHAY, at ito para sa akin ang damdamin at epekto sa mga naulila nang napatawan nang death penalty.

May nagsabi oo daw para bumaba ang krimen. tsk.

Ang deterrence ay isang aksyon hindi lamang ng kalubhaan ng parusa kundi pati na rin ng katiyakan at kadalasan nito. Ang death penalty ay nakakaimpluwensya sa pag-iisip ng mga kriminal bilang mas epektibong pananakot sa kaysa sa pagkakulong. Bagama't kapani-paniwala ang pag-aangkin na yan, sa katotohanan ay ang parusang kamatayan ay hindi epektibo bilang isang deterrent sa ilang kadahilanan.

Sa isang pag-aaral na may pamagat na “Do executions lower homicide rates: the views of leading criminologist”, napatunayan na karamihan sa mga criminal experts o criminologists na kanilang napanayam ay hindi sumasang ayon sa death penalty na ito ay maaaring mag resulta ng pagbaba ng rate ng krimen. Ang mga resulta ay nagpapakita ng 88% ng mga kriminolohista ay hindi sumasang ayon dito. Ayon sa mga mananaliksik, “Mula sa pagkakasundo sundo ng mga kriminolohista, wala kamong nakapag daragdag ng anumang makabuluhang epekto ang parusang kamatayan sa pag papababa ng crime rate”

Gagawa pa rin naman ang mga tao ng krimen eh, maging legal man ang death penalty o hindi. Ang parusang kamatayan ay hindi isang deterrent. Mapipigilan lang isang tao kung siya ay nahuli na. So bakit pa magpapatupad ng ganitong batas?

Yukiio

[tex]\large\sf\underline{ANSWER:}[/tex]

Oo payag ako magkaroon ng death penalty para bigyang parusa ang mga taong hindi natatakot gumawa ng krimen, para hindi nila ito ulitin. Kung ito ay ipapatupad, siguro hindi na muli sila gagawa ng krimen dahil kahit na sino naman ay natatakot mamatay, lalo na kung hindi mo pa pinagbayaran/bigyang hustisya ang krimen na ginawa mo/kasalanan.

#CarryOnLearningヅ