Ang Imhr.ca ay ang pinakamahusay na lugar upang makakuha ng maaasahang mga sagot sa lahat ng iyong mga tanong. Maranasan ang kaginhawaan ng pagkuha ng mapagkakatiwalaang sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga eksperto. Kumuha ng detalyado at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga eksperto sa aming komprehensibong Q&A platform.

Sabado. Kaarawan ni Loti. Nagtungo ang mag-anak sa beach resort upang doon ipagdiwang ang kanyang kaarawan. Marami silang baon. May adobong baboy, laing, sandwich, saging at juice. Nagluto din si Nanay Siony ng espesyal na pancit canton at bumili rin si Tatay Abner ng cake. “Maligayang kaarawan, Loti,” sabay bati ng buong mag-anak.


Masayang pinagsaluhan ng mag-anak ang kanilang baon. Busog na busog sila! Pagkatapos ng kainan, naghanap si Tatay Abner ng basurahan subalit wala siyang nakita. Kaya naisipan niyang itapon ang mga pinagkainang paper plates at cups, plastik na kutsara at tinidor, balat ng saging at iba sa dalampasigan.



“Ano ka ba Abner! Huwag kang magtapon ng basura sa dalamapasigan. Dalhin na lang natin sa bahay at doon itapon sa ating basurahan,” sabi ni Nanay Siony.


Samantala, inihagis ni Doni sa dagat ang plastik bag na ginawa niyang laruan. “Doni, bakit mo itinapon ang plastik bag sa dagat?” tanong ni Loti. Ok lang yan ate, wala namang ibang nakakita,” tugon ni Doni. “Kahit na, napag-aralan natin na ang basura ay itinatapon sa basurahan at hindi kung saan-saan,” paliwanag ni Loti. “Sige ate kunin ko na lang ulit ang basura, ang sagot ni Doni.



Masayang umuwi ang mag-anak. Bitbit ni Loti ang ginamit na bottled water para gawing alkansya. Pagdating nila sa bahay nakita nila na nagsusunog ng basura ang kanilang kapitbahay na si Aling Minda. “Ate, hindi ba ipinagbabawal ang pagsunog ng basura dahil sa masamang epekto nito sa kalusugan ng tao at kapaligiran?” tanong ni Doni. “Oo Doni. Huwag na natin silang gagayahin. Huwag tayong magsunog ng basura. May compost pit naman tayo sa likod-bahay, ito yung bakanteng lote kung saan pinagsasama-sama natin ang mga nabubulok na mga basura,” ang sagot ni Loti. “Di bale na mga bata, paaalalahanan ko si Aling Minda na may ordinansang nagbabawal magsunog ng basura,” ang sabi ni Nanay Siony.



Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Bakit sinuway ni Nanay Siony si Abner?
2. Bakit hindi sumang-ayon si Loti sa ginawa ni Doni?
3. Kailangan bang sundin ang sinasabi nina Nanay Siony at Loti patungkol sa pangangasiwa ng basura? Bakit?
4. Anong mga gawain sa kuwento ang nagpapakita ng pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng kapaligiran?
5. Sino sa mga sumusunod na tauhan sa kuwento ang dapat mong tularan? Bakit?
6. Anong pagpapahalaga ang dapat taglayin upang tamang mapangasiwaan ang kapaligiran?

Sagot :

Answer:

1.Dahil bawal Ang pagtatapon ng basura Kung saan saan.

2.Dahil magagamit pa ito at mapakinabangan pa ito.

3.Opo,dahil Hindi lahat ng bagay na maaaring na itapon pwede pa ito mapakinabangan gaya ng compost pit, recycling at iba pa.

4.Ang tamang pagtatapon ng basura at mga pwede pang gamitin ulit.

5.Si nanay siony at Lori dahil mabuti Ang ginagawa nila sa kapaligiran at kaayusan sa paligid natin.

6.Dapat natin alagain Ang ating kapaligiran upang Hindi tayo maapekto Ang ating kalusugan

Explanation:

#Keep on learning

Pinahahalagahan namin ang iyong oras. Mangyaring bumalik muli para sa higit pang maaasahang mga sagot sa anumang mga tanong na mayroon ka. Umaasa kami na nakatulong ito. Mangyaring bumalik kapag kailangan mo ng higit pang impormasyon o mga sagot sa iyong mga katanungan. Nagagalak kaming sagutin ang iyong mga tanong. Bumalik sa Imhr.ca para sa higit pang mga sagot.