Answer:
Sa paggawa o pagkamit ng itinakdang mithiin, kinakailangang magkaron ng disiplina sa sarili at gayundin ang kasipagan, sapagkat hindi makakasatuparan ang itinakdang mithiin kung hindi ka magsisipag upang makamit ito. Gayundin ang disiplina sa sarili. Halimbawa, ninanais mong makapasa sa Board Exam upang makakakuha ng lisensya sa pagiging nurse subalit hindi ka nagaaral o nagrereview ng maigi bagkus panay lakwatsa at gala kasama ang mga kaibigan ang iyong ginagawa. Isa lamang itong halimbawa na wala kang ipinapakitang disiplina sa inyong sarili upang kontrolin ang mga gawain upang makapaghanda ng maigi sa darating na eksaminasyon. Tuwing araw naman ng pahinga mo ay mas inatupag mo pang humilata dahil sa katamaran. Isa pa itong nararapat baguhin bilang kaugalian. Kung nagmimithi ng katagumpayan sa buhay, kailangang may kalakip na sipag at tyaga ang iyong displina sa sarili.