Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ang pangunahing suliraning pangkapayapaan ng administrasyong Quirino
A. Gerilya
B. Militarisasyon
C. Huk
D. Terorismo
2. Sa panahon ng pangangasiwa ni Pangulong Macapagal na naghain ng pag- aangkin ang Pilipinas sa lupaing ito.
A. Sabah
C. Spratly Island
B. East Timor
D. Kalayaan Island
3. Ang lahat ng ito ay isinagawa ni Pangulong Diosdado Macapagal maliban sa isa:
A. Nilagdaan ang Bell Trade Act.
B. Pinagtibay ang Agricultural Land Reform Code.
C. Inilipat ang petsa ng Araw ng Kalayaan mula Hulyo 4 sa hunyo 12.
D. Ginamit ang wikang Pilipino sa mga selyo, pasaporte at iba pang opisyal na komunikasyon.
4. Ang dahilan kung bakit tinaguriang Infrastructure Man si Pangulong Marcos. A. Ipinatupad ang paghihigpit laban sa ilegal na pagpapapasok sa Pilipinas ng mga produktong dayuhan.
B. Pagpapatupad ng malawakang programa sa pagpapagawa ng mga kalye, tulay, patubig, paaralan, at iba pa.
C. Pinagtibay ang programang pangkalusugan.
D. Pagsupil at pagpigil sa karahasan.
5. Kilala si Ramon Magsaysay sa mga sumusunod na katangian maliban sa isa:
A. Kauna-unahang pangulo na nagsuot ng barong Tagalog sa kanyang inagurasyon
B. Nagbukas ng Malakanyang sa mga karaniwang tao.
C. Malapit sa mga ordinaryong mamamayan at nakikisalamuha sa mga tao.
D. Nagpakita ng nepotismo sa pamamagitan ng pagpapasok ng mga kamag- anak sa pamahalaan.