Tayahin
A. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang wastong sagot sa bawat bilang.
1. Ito ay pagtitimbang sa kalakasan at kahinaan ng isang pelikula.
A. pagdidirehe
B. pag-e-edit
C. pagrerebyu
D. pelikula
2. Sa elementong ito isinasaalang-alang ang paggamit ng wika ng mga tauhan sa pelikula.
A. dayalogo
B. editing
C. layon
D. pamagat
3. Sinusuri sa elementong ito ang intensyon ng pelikula, kung ito ay naglalahad ng impormasyon, nagpapakita ng kalagayang panlipunan at iba pa.
A. dayalogo
B. editing
C. layon
D. pamagat
4. Mahalagang pagtuonan ng pansin sa elementong ito kung napapanahon, naging akma ba ito sa panahon kung kailan nagawa o angkop ba ito sa lahat ng panahon.
A dayalogo
B. karakter
C. sinematograpiya
D. tema
5. Sa elementong ito makikita ang husay sa pagkuha ng anggulo sa mga pangyayari at kung napalutang ang mga kaisipang nais ipakita sa pamamagitan ng camera shots.
A. dayalogo
B. karakter
C. sinematograpiya
D. tema