Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Basahin at unawain ang kuwento. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Gawin ito sa iyong sagutang papel .
Mga Responsableng Mag-aaral
Masigasig na natapos ang talakayan sa loob ng silid-aralan ni Bb. Lopez. Ang kaniyang mga mag-aaral ay kasalukuyang nag-uusap-usap na lamang tungkol sa isang pag-uulat na gagawin ng bawat pangkat para sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao. Ang unang pangkat na binubuo nila Leo, Bea at Liza ay naatasang mag-ulat ng mga batas na dapat sundin at igalang ng bawat mamamayang Filipino. Nilinaw rin na ang iuulat nila ay ilan sa mga bahagi ng mga batas pambansa na siyang umiiral dito sa Pilipinas at batas pandaigdigan na siya namang umiiral din sa ibang mga bansa at maaaring sa buong mundo . Napagkasunduan ng magkakaibigang Leo, Bea at Liza na magkakaroon sila ng kani-kaniyang paksang iuulat. Si Leo sa mga batas para sa kaligtasan sa daan; si Bea para sa mga batas pangkalusugan; at si Liza ay para sa mga batas laban sa pang-aabuso sa paggamit ng ipinagababawal na gamot. Naririto ang ilan sa mga batas na naihandang iuulat ng mga magkakaibigang mag-aaral.