Tinutulungan ka ng Imhr.ca na makahanap ng maaasahang mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan mula sa mga eksperto. Kumuha ng mabilis at mapagkakatiwalaang mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga bihasang eksperto sa aming platform. Kumuha ng agarang at mapagkakatiwalaang mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga bihasang eksperto sa aming platform.
Sagot :
Answer:
Ang Mabuting Samaritano
Mula sa Lucas 10:25-37
Isang dalubhasa sa Kautusan ang lumapit kay Jesus upang siya’y subukin. “Guro, ano ang dapat kong gawin upang magkamit ng buhay na walang hanggan?” tanong niya.
Sumagot si Jesus, “Ano ba ang nakasulat sa Kautusan? Ano ba ang nababasa mo roon?”
Sumagot ang lalaki, “‘Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo, buong kaluluwa mo, buong lakas mo, at buong pag-iisip mo;’ at ‘Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.'”
Sabi ni Jesus, “Tama ang sagot mo. Gawin mo iyan at magkakamit ka ng buhay na walang hanggan.”
Upang huwag siyang lumabas na kahiya-hiya, nagtanong pa ang lalaki, “Sino naman ang aking kapwa?”
Sumagot si Jesus, “May isang taong naglalakbay mula sa Jerusalem papuntang Jerico. Hinarang siya ng mga tulisan, hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na.
Nagkataong dumaan doon ang isang paring Judio. Nang makita ang taong nakahandusay, lumihis siya at nagpatuloy sa kanyang paglakad.
Dumaan din ang isang Levita, ngunit nang makita niya ang taong binugbog, lumihis din ito at nagpatuloy sa kanyang paglakad.
Ngunit may isang Samaritanong naglalakbay na napadaan doon. Nang makita niya ang biktima, siya’y naawa. Nilapitan niya ito, binuhusan ng langis at alak ang mga sugat at binendahan. Pagkatapos, isinakay niya ang lalaki sa kanyang asno at dinala ito sa bahay-panuluyan upang maalagaan siya doon.
Kinabukasan, binigyan niya ng dalawang salaping pilak ang namamahala ng bahay-panuluyan, at sinabi, ‘Alagaan mo siya, at kung higit pa riyan ang iyong magagastos, babayaran kita pagbalik ko.'”
At nagtanong si Jesus, “Sa palagay mo, sino kaya sa tatlo ang naging tunay na kapwa ng taong hinarang ng mga tulisan?”
“Ang taong tumulong sa kanya,” tugon ng dalubhasa sa kautusan. Kaya’t sinabi sa kanya ni Jesus, “Kung gayon, humayo ka at ganoon din ang gawin mo.”
Aral:
Ang nagmamahal sa Diyos ay minamahal din ang kanyang kapwa. Kahit ano pa ang kanyang paniniwala, magkaiba man kayo ng kulay o ng lahing pinagmulan, kahit pa kayo ay minsang nagkagalit, ang ating kapwa ay kailangan nating mahalin. Hindi natin pwedeng sabihin na mahal natin ang Diyos ngunit napopoot naman sa ating kapwa. Kung mahal natin ang Diyos, mahalin din natin ang ating kapwa.
Ang Talinghaga tungkol sa Lingkod na Di Marunong Magpatawad
Mula sa Mateo 18:21-35
Lumapit si Pedro at nagtanong kay Jesus, “Panginoon, ilang beses ko po bang patatawarin ang aking kapatid na nagkakasala sa akin? Pitong beses po ba?”
Sinagot siya ni Jesus, “Hindi pitong beses, kundi pitumpung ulit na pito.
Sapagkat ang kaharian ng langit ay katulad nito: ipinasya ng isang hari na hingan ng ulat ang kanyang mga alipin tungkol sa kanilang mga utang. Nang simulan niyang magkwenta, dinala sa kanya ang isang lingkod na may utang na milyun-milyong piso.
Dahil sa siya’y walang maibayad, iniutos ng hari na ipagbili siya, pati ang kanyang asawa, mga anak, at lahat ng kanyang ari-arian, upang siya’y makabayad.
Lumuhod ang lingkod sa harapan ng hari at nagmakaawa, ‘Bigyan pa po ninyo ako ng panahon at babayaran ko sa inyo ang lahat.’Naawa sa kanya ang hari kaya’t pinatawad siya sa kanyang pagkakautang at pinalaya.
“Ngunit pagkaalis roon ay nakita niya ang isa niyang kapwa lingkod na may utang sa kanya na ilang daang piso. Sinakal niya ito, sabay sabi, ‘Magbayad ka ng utang mo!’
Lumuhod ito at nagmakaawa sa kanya, ‘Bigyan mo pa ako ng panahon at babayaran kita.’
Ngunit hindi siya pumayag. Sa halip, ito’y ipinabilanggo niya hanggang sa makabayad.
“Sumama ang loob ng ibang mga lingkod ng hari sa pangyayaring iyon, kaya’t pumunta sila sa hari at nagsumbong. Ipinatawag ng hari ang lingkod na iyon. ‘Napakasama mo!’ sabi niya.
‘Pinatawad kita sa utang mo sapagkat nagmakaawa ka sa akin. Naawa ako sa iyo. Hindi ba’t dapat ka rin sanang nahabag sa kapwa mo?’
At sa galit ng hari, siya’y ipinabilanggo hanggang sa mabayaran nang buo ang kanyang utang.
Gayundin ang gagawin sa inyo ng aking Ama na nasa langit kung hindi ninyo taos pusong patatawarin ang inyong kapatid.”
Aral:
Matuto tayong magpatawad. Kung paanong pinatatawad tayo ng Diyos sa ating mga kasalanan, maliit man o malaki itong kasalanan, ganun din natin patawarin ang ating kapwa kung sila ay nagsisisi sa kanilang nagawang kasalanan at humihingi ng kapatawaran.
Talinghaga tungkol sa Sampung Dalaga
Mula sa Mateo 25:1-13
“
Explanation:
hope it helps...pa brainliest ...e summarize Nyo nlng
Salamat sa pagbisita. Ang aming layunin ay magbigay ng pinaka-tumpak na mga sagot para sa lahat ng iyong pangangailangan sa impormasyon. Bumalik kaagad. Salamat sa paggamit ng aming plataporma. Layunin naming magbigay ng tumpak at napapanahong mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan. Bumalik kaagad. Imhr.ca, ang iyong go-to na site para sa mga tamang sagot. Huwag kalimutang bumalik para sa higit pang kaalaman.