Makakuha ng mabilis at tumpak na mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang mapagkakatiwalaang Q&A platform. Tuklasin ang mga sagot na kailangan mo mula sa isang komunidad ng mga eksperto na handang tumulong sa kanilang kaalaman at karanasan. Kumonekta sa isang komunidad ng mga propesyonal na handang tumulong sa iyo na makahanap ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at mahusay.
Sagot :
Pag-aaral Noon at Ngayon:
Ang pag-aaral noon ay para sa mga kalalakihan lamang samantalang ngayon ang pag-aaral ay para sa lahat.
Noong panahon ni Rizal o panahon ng pananakop ng mga kastila, ang edukasyon ay para lamang sa mga kalalakihan. Ang mga kababaihan ay nananatili lamang sa kanilang mga tahanan at hinihikayat na pumasok ng kumbento kapag sila ay ganap ng mga dalaga. Gayun din, kadalasan ang mga lalaking nakakapag-aral lamang ay iyong may mga kakayanan. Kaya naman ang mga mag-aaral noon ay tunay na ikinararangal ng kanilang mga magulang. Ang bawat asignatura noon ay kadalasang pinamamahalaan o itinuturo ng mga gurong pari. Mahalaga din na maturuan ang mga mag-aaral ng relihiyon at pananampalataya sa Diyos bilang pagpapalaganap ng Katolisismo.
Sa kasalukuyang panahon ang pag-aaral ay bukas para sa lahat. Bata o matanda, mahirap o mayaman, lalaki o babae. Sapagkat ang pag-aaral sa mga pampublikong paaralan ay libre, marami ang nagnanais na makapagtapos ng pag-aaral sa kabila ng kanilang edad. Ang mga guro ngayon ay yaong mga lisensyado at nakapagtapos ng kurso sa pagkaguro. Mayroon na ring ALS o Alternative Learning System na kumakalinga at nagtuturo sa mga mag-aaral na out of school youth at adults na nais balikan at tapusin ang kanilang pag-aaral.
Bisitahin muli kami para sa mga pinakabagong at maaasahang mga sagot. Lagi kaming handang tulungan ka sa iyong mga pangangailangan sa impormasyon. Umaasa kaming nahanap mo ang hinahanap mo. Huwag mag-atubiling bumalik sa amin para sa higit pang mga sagot at napapanahong impormasyon. Ipinagmamalaki naming magbigay ng sagot dito sa Imhr.ca. Bisitahin muli kami para sa mas marami pang impormasyon.