Maligayang pagdating sa Imhr.ca, kung saan maaari kang makakuha ng mga sagot mula sa mga eksperto. Tuklasin ang libu-libong tanong at sagot mula sa isang komunidad ng mga eksperto sa aming madaling gamitin na platform. Kumuha ng detalyado at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga eksperto sa aming komprehensibong Q&A platform.
Sagot :
Nakarating si Magellan sa Pilipinas sa pamamagitan ng kaniyang pinangungunahang eskpedisyon. Lulan sila ng limang barko at ilang bangka kasama ang maraming tauhan, naglayag ang ekspedisyon ni Magellan papuntang Silangan at narating ang Pilipinas. Una silang dumaong sa pulo ng Homonhon, nagpunta sa Limasawa, lumipat sa Sugbu (Cebu) at dumayo sa Mactan kung saan siya ay napatay ni Datu Lapu-Lapu.
Si Ferdinand Magellan ay isang Portugese na nagsisilbi sa hari ng Espanya noon na si Haring Carlos I. Namuno siya sa pagtuklas ng mga bagong lupaing sasakupin ng Espanya. Hinanap nila ang isang isla kung saan maraming pampalasa na tinawag nilang “spice island”. Ang tinutukoy nilang “spice island”ay ang Moluccas island. Sa kanilang paghahanap sa Moluccas, napadpad sila sa pulo ng Guam. Ninakaw ang isa sa kanilang bangka kaya agad silang umalis ng Guam. Pagkaalis ng Guam, napadpad sila sa Pilipinas.
MAHAHALAGANG PANGYAYARI SA EKSPEDISYON NI MAGELLAN SA PILIPINAS
1.Noong ika-16 ng Marso 1521, narating ng ekspedisyon ni Magellan ang pulo ng Homonhon. Naging mainit ang pagtanggap sa kanila ng mga katutubo ngunit naubusan sila ng sariwang pagkain kaya lumipat sila sa Limasawa sa mungkahi na rin ng sultan.
2.Sa pangunguna ni Padre Pedro Valderrama, naganap ang unang misa sa isla ng Limasawa noong ika 31 ng Marso, 1521. Nilisan din ng ekspedisyon ang Limasawa dahil din sa kakulangan ng pagkain at nagtungong Sugbu (Cebu ngayon) sina Magellan.
3.Sa Sugbu (Cebu ngayon) itinayo ni Magellan ang unang krus. Marami ang nagpabinyag kasama na ang pinuno ng lugar na si Raha Humabon, ang kanyang asawa at mga anak.
4.Pagkatapos ng Sugbu, pinuntahan ng ekspedisyon ni Magellan ang Mactan subalit sa pamumuno ni Datu Lapu-Lapu, tumangging magpabinyag at makipagkaibigan ang mga taga Mactan. Nagalit si Magellan at sinugod niya at ng kanyang mga tauhan ang Mactan. Sa kasamaang palad, sila ay natalo. Tinamaan si Magellan ng sibat na may lason at namatay pati na rin ang marami nilang kasamahan. Sinunog ng mga katutubo ang kanilang mga sasakyan at tanging ang barkong Victoria lamang ang natira.
5. Kasama ang tagatalang si Antonio Pigafetta, umuwi ang mga dayuhang natira sa Espanya at ibinalita ang natuklasang lupain.
LIMANG BARKONG DALA NG EKSPEDISYON NI MAGELLAN
- Santiago
- Concepcion
- Trinidad
- San Antonio
- Victoria (ang tanging barko na nakabalik ng Espanya sapagkat sinunog ng mga Pilipino ang iba)
Para sa karagdagang kaalaman, maaaring sumangguni sa:
https://brainly.ph/question/1811528
https://brainly.ph/question/99929
Salamat sa iyong pagbisita. Kami ay nakatuon sa pagbibigay sa iyo ng pinakamahusay na impormasyon na magagamit. Bumalik anumang oras para sa higit pa. Salamat sa pagpili sa aming plataporma. Kami ay nakatuon sa pagbibigay ng pinakamahusay na mga sagot para sa lahat ng iyong mga katanungan. Bisitahin muli kami. Maraming salamat sa pagtiwala sa Imhr.ca. Bisitahin kami ulit para sa mga bagong sagot mula sa mga eksperto.