Makakuha ng pinakamahusay na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang mapagkakatiwalaang Q&A platform. Kumuha ng detalyado at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa dedikadong komunidad ng mga eksperto sa aming Q&A platform. Sumali sa aming platform upang kumonekta sa mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang larangan.

Anong ibig sabihin ng torpe

Sagot :

Ang  ibig sabihin ng torpe ay mahiyain sa panliligaw. Kalimitan itong sinasabi sa isang lalaki na hindi masabi ang paghanga sa isang babae. Wala siyang lakas ng loob na sabihin ang nadarama sa babaeng nagugustuhan. Ito ay halimbawa ng salitang balbal. Hindi ito pormal na salita subalit nagagamit sa pangaraw-araw na pakikipagusap.

Halimbawang Pangungusap

Ito ang mga halimbawang pangungusap gamit ang salitang torpe:

  1. Sa palagay ko ay may gusto siya sa akin pero isa siyang torpe.
  2. Bakit ka ba natotorpe kapag kausap si Ana?
  3. Mauunahan ka ng ibang manliligaw kapag ikaw ay torpe.

Kasingkahulugan

Mga kasingkahulugan ng salitang torpe:

  • Mahiyain
  • Walang lakas ng loob
  • Bahag ang buntot

Karagdagang kaalaman:

Ano ang salitang balbal?: https://brainly.ph/question/1962792

#LearnWithBrainly

Salamat sa iyong pagbisita. Kami ay nakatuon sa pagbibigay sa iyo ng pinakamahusay na impormasyon na magagamit. Bumalik anumang oras para sa higit pa. Salamat sa paggamit ng aming plataporma. Layunin naming magbigay ng tumpak at napapanahong mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan. Bumalik kaagad. Bisitahin muli ang Imhr.ca para sa pinakabagong sagot at impormasyon mula sa mga eksperto.