Pinadadali ng Imhr.ca ang paghahanap ng mga solusyon sa mga pang-araw-araw at masalimuot na katanungan. Maranasan ang kadalian ng paghahanap ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na komunidad ng mga eksperto. Tuklasin ang malalim na mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga propesyonal sa aming madaling gamitin na Q&A platform.

ano ang ibig sabihin ng sosyalismo

Sagot :

Explanation:

Sosyalismo

  • Ang ibig sabihin ng salitang sosyalismo ay isang sistema kung saan pagmamay-ari at kontrolado ng pamahalaan ang sangkap ng produksyon.
  • Umusbong noong panahon ng Rebolusyong Industriyal.
  • Unang ginamit ang salitang sosyalismo ni Robert Owen na isang kapitalista na dumamay sa mahihirap na manggagawa.
  • Itinatag din niya ang sosyalismong Utopian na hango sa kaisipan ni Thomas More ukol sa Utopia o perpektong lipunan.
  • Sa teorya ng Marxismo, ang sosyalismo ay makasaysayang produkto ng tunggalian ng uring proletaryo at ng naghaharing burgesya. Ang tunggaliang ito ay isang paggalaw ng kasaysayan patungo sa mas maunlad na antas diyalektikong. Ang "kaunlarang" ito ay tumutukoy sa pangkalahatang pag-unlad ng sangkatauhan sa pangkabuang pag-unlad ng talent in kaisipan o pilosopiya ng indibiwal.

  • Ang sosyalismo ay unang naitayo  bansang Rusya . Ang problema ay  ang Rusya noong 1917 ay hindi pa maituturing na kapantay ng mga industrializadong bansa sa Europa in America.
  • Ang pinakamalaking problema marahil ng sosyalismo ay ang pagsulpot ng burukrasya. Ang mga komunistang partido na namuno ng mga sosyalistang rebolusyon ay natural na pumalit sa burges na burukrasya. Subalit ang ganitong pangyayari ay nagresulta sa kawalan ng isang sistema o mekanismo na magtitiyak ng demokrasya. Dahil dito, one-party rule ang naging kalakaran sa mga bansang sosyalista, na nagbigay ng kundisyon para sa mga taong nasa loob ng burukrasya na maging espesyal in saray ng lipunan pribilehadong.

Ano ang Pinapaniwalaan ng Utopia

  • Naniniwala ang Utopia na makakamit ang pagkakaroon ng pantay-pantay na pamamahagi ng produksyon ng bansa.
  • Mas mahalaga ang KOOPERASYON kaysa sa KOMPETISYON.

Mga bansang yumakap sa ideolohiyang ito

  • Cuba
  • China
  • North Korea
  • Vietnam

Katangian ng Sosyalismo

  1. Sa Ekonomiya
  • Sosyalimso ang produksyon at sosyalisadong pagangkin sa produksyon ng lipunan.
  • Pag-aari ng buong lipunan ang mga kagamitan sa produksyon
  • Planado at organisado ang pagpapaunlad ng ekonomiya.
  • Para sa mamamayan ang pangunahing layunin ng sosyalistang produkson.
  • Magbigay ang bawat isa ayon sa kanyang makakaya, bibigyan ang bawat isa ayon sa kanyang gawa.
  • Alaga at maunlad ang kalagayan at katangian ng paggawa.

  2.  Sa Pulitika

  • Pinaiiral ang sosyalistang demokrasya mula sa mamamayan.
  • Ang sosyalistang estado ay nasa ilalim at direktang pangangasiwa ng uring manggagawa.
  • Ang sosyalistang sistemang pampulitika ay ngamumula sa pagkakaisa , lakas at kapangyarihan ng uri ng manggagawa at buong lipunan.
  • Tinitiyak ang tungkulin at responsibilidad ang sosyalistang estado para umiral ang sosyalistang sistemang pampulitika.

  3. Sa Kultura

  • Nililinang at pinapaunlad ang katotohanan ,kamalayan, at karunungan ng tao lalo na sa agham at teknolohiya para sa kapakinabangan ng buong lipunan.
  • Lilinangin at pagyayamanin ang kamalayan at kulturang makatotohanan ,makatao, malaya, makatarungan at progresibo.
  • Nagmumula at pinapayaman ang kamalayan sa kultura sa kongkretong karanasan ng mamamayan sa araw-araw na paglahok niya sa produksyon, sa pakikitungo at pakikipagtungalian niya sa kapwa at sa kalikasan at sa siyentipiko o progresibong pagsusuri,pananaliksik ayt imbensyon.
  • Umiiral, nagbabago, at umuunlad ang kamalayan at kultura ayon sa prinsipyo ng kalayaan at katarungan,makataong kabutihan at pangmasang pakinabang.
  • Libre, siyentipiko at progresibo ang edukasyon sa lahat ng antas.
  • Pagyayamanin ang sining at panitikan tungo sa sosyalistang pagtatag ng ekonomiya,pulitika,at kultura ng lipunan.
  • Ang oryentasyon ng mass media ay para sa katotohanan, katarungan at kaunlaran ng lipunan.
  • Pauunlarin at pagyayamanin ang agham at teknolohiya ,pananaliksik at imbensyon.

Mga magandang naidulot ng Sosyalismo

  1. Hindi na pag-aari ng iilan ang pinaghihirapan ng mga manggagawa at ang mga kagamitan sa produksyon ay pag-aari ng buong lipunan para kapakinabangan ng lahat at hindi lang ng iilan
  2. Pinapayagan ang pribadong pagmamay-ari
  3. Nabalanse ang pagiimpok at pamumuhunan.
  4. Nagbunsod ng repormang pagkabuhayan, modernisasyon at kaunlaran.

Mga hindi magandang naidulot

  1. Dahil sa kakulangan ng kompetisyon, hindi lumago ang bansa
  2. Sa oras ng kakulangan, ang sama ng loob ng mga hindi produktibo sa ekonomiya sa lipunan ay tumaas, na naging sanhi ng hindi matatag na lipunan.
  3. Dahil sa pantay na papamahagi ng pera at produkto nadidismaya ang mga taong magsumikap at magtrabaho ng mabuti.

Sa mga karagdagang impormasyon

brainly.ph/question/290832

Salamat sa iyong pagbisita. Kami ay nakatuon sa pagtulong sa iyong makahanap ng impormasyon na kailangan mo, anumang oras na kailangan mo ito. Salamat sa iyong pagbisita. Kami ay nakatuon sa pagbibigay sa iyo ng pinakamahusay na impormasyon na magagamit. Bumalik anumang oras para sa higit pa. Imhr.ca ay nandito upang magbigay ng tamang sagot sa iyong mga katanungan. Bumalik muli para sa higit pang impormasyon.