Maligayang pagdating sa Imhr.ca, kung saan maaari kang makakuha ng mga sagot mula sa mga eksperto. Maghanap ng mapagkakatiwalaang sagot sa iyong mga tanong mula sa malawak na komunidad ng mga eksperto sa aming madaling gamitin na platform. Maranasan ang kadalian ng paghahanap ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na komunidad ng mga eksperto.

Sanaysay na nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga kababaihan sa bansang pilipinas

Sagot :

bbjcl

Answer:

Ang gampanin ng mga kababaihan sa Pilipinas (mga Pinay) ay ipinaliwanag ayon sa diwa ng kalinangang Pilipino, pamantayan, pananaw at kaisipan. Nilarawan ang Pilipinas bilang isang bansa ng mga matatatag na mga kababaihan, na tuwiran at hindi tuwirang nagpapatakbo sa mag-anak, negosyo, mga tanggapan ng pamahalaan at mga hasyenda. Bagaman pangkalahatang pinakakahuluganan nila ang kanilang mga sarili sa isang tagpuan sa Asya na napapangibabawan ng mga kalalakihan sa isang lipunang dumaan sa kolonyalismo at Katoliko, namumuhay ang mga Pilipinong kababaihan sa isang kulturang nakatuon ang pansin sa pamayanan, na ang mag-anak ang pangunahing bahagi ng lipunan. Dito sa balangkas na ito - na may kayariang pangkahanayan, pagkakaiba-ibang antas sa lipunan, kadahilanang makapananampalataya, at pamumuhay sa isang umuunlad na bansa ng mundo - nakikibaka ang mga kababaihang Pilipino. Kung ihahambing sa ibang mga bahagi ng Timog-silangang Asya, palagiang nakakatamasa ng mas malaking antas ng kapantayang makabatas ang mga kababaihang nasa lipunan ng Pilipinas.

Explanation:

Answer:

May mataas nang pagtingin sa mga babae ang mga unang Pilipino. Kinikilala ng mga batas ng barangay na ang mga babae ay kapantay ng mga lalaki. maaari silang maghanapbuhay at makipagkalakalan Noon pa man, ginagalang sa buong barangay ang mga babae. Ito ay bahagi ng tinatawag na bigay-kaya. Ang kaugaliang ito ay ginagawa pa sa ilang pook sa Pilipinas. Mataas ang pagpapahalaga ng mga unang Pilipino sa mga kababaihan.