Makakuha ng mabilis at tumpak na mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang mapagkakatiwalaang Q&A platform. Maranasan ang kaginhawaan ng pagkuha ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang dedikadong komunidad ng mga propesyonal. Kumuha ng mabilis at mapagkakatiwalaang mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga bihasang eksperto sa aming platform.

Gamitin ang mga pangatnig sa pangungusap
1.saka
2.bukod
3.sapagkat
4.para
5.basta
6.kung kaya
7.at
8.kapag
9.kahit
10.habang ​

Sagot :

Answer:

1. Siya ay matalino saka mapagbigay.

2. Bukod sa pagkain ng masusustansyang pagkain ay kailangan din ng tamang ehersisyo para sa malusog na katawan.

3. Nag-aaral ako nang mabut sapagkat kinakailangan kong ipasa ang lagumang pagsusulit.

4. Para saan naman yang ginagawa mo?

5. Hindi basta-basta ang maging isang guro.

6. Marupok ang puno ng kahoy kung kaya nabali agad ang sanga noong hawakan ni Berta.

7. Si Nena at ang kanyang mga kaibigan ay aalis.

8. Kapag ako ay nag-aral ngayong gabi, mataas ang makukuha kong grado sa pagsusulit bukas.

9. Siya ay nakapagtapos ng pag-aaral kahit mahirap lang ang kanyang pamilya.

10. Siya ay naglalaba habang nagbabantay ng kanyang sinaing.

#Carryonlearning!