Pinadadali ng Imhr.ca ang paghahanap ng mga solusyon sa mga pang-araw-araw at masalimuot na katanungan. Maranasan ang kaginhawaan ng paghahanap ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa mga bihasang propesyonal sa aming platform. Kumonekta sa isang komunidad ng mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at eksakto.

Ang paghuhubad alang-alang sa “state of art” o sining ay mabuti sapagkat ito ay isang uri ng sining na may layunin. Sang ayon o hindi sang ayon, ipaliwanag ​

Sagot :

Explanation:

Mga opinyon kung tama lang na maghubad. kung ito ay para sa sining? sang ayon o hindi sang ayon, ipaliwanag

Sang ayon

Para sa akin sang ayon ako sa paghuhubad kung ito ay para sa sining, Sapagkat bilang isang tao na lumilikha ng mga bagay na may kaugnayan sa sining ay wala itong malisya. Ang ating katawan ay biyaya ng panginoon, hinubog na mayroong pagmamahal, bawat parte ng katawan ng isang tao ay nilikha na may mahahalagagang kagamitan at ito nilikha na nasa tamang kalalagyan kung saan kahit sino ay hahanga sapagkat ito ay isang pangbihirang likha, kaya naman sa sining ay ginagamit ang katawan ng isang tao upang ipakita ng isang artist emosyon,talino,pagkatao at pananampalataya at pagpapakita ng kahalagahan ng moralidad.

Sining sa hubad na katawan ng tao

Ang pagtingin sa hubad na katawan ng isang tao na ginamit sa sining ay kailangan ng malawak na isipan at pang –unawa upang hanapin ang tunay na nais iparating ng larawan,

Nagiging masama lamang ang paggamit ng hubad na larawan ng isang tao kung ito ay gagamitin sa mahahalay na gawain.

Ang katawan ng tao ay dapat ingatan, alagaan at pahalagahan, sapagkat ito ay nilikha ng panginoon na mayroong pagmamahal.

Ang pagkakaroon ng isang malusog at maayos na pangangatawan ay isang biyaya na dapat nating pasalamatan, at huwag nating gamitin sa mga bagay na alam nating ikakababa ng ating moralidad.