Maligayang pagdating sa Imhr.ca, kung saan maaari kang makakuha ng mga sagot mula sa mga eksperto nang mabilis at tumpak. Sumali sa aming Q&A platform upang kumonekta sa mga eksperto na dedikado sa pagbibigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang larangan. Tuklasin ang malalim na mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga propesyonal sa aming madaling gamitin na Q&A platform.

ano ang kahulugan ng nasyonalismo sa Chinese??​

Sagot :

Ang nasyonalismong umusbong sa Tsina ay patungkol sa mga negatibong Epekto ng pagdating ng mga Kanluranin noong ika-19 at ika-20 siglo.
Nagsimula ang pagkawala ng kontrol ng China sa kaniyang bansa nang matalo ito sa Great Britain sa Unang Digmaang Opyo (1839- 1842) at sa Great Britain at France noon Ikalawang Digmaang Opyo (1856-1860).
Nasyonalismo sa China
Bunga nito, nilagdaan ang Kasunduang Nanking (1843) at Kasunduang Tientsin (1858) na naglalaman ng mga probisyon na hindi patas para sa mga Tsino. Upang ipahayag ang kanilang pagtutol mula sa panghihimasok ng mga dayuhan, nagsagawa ng dalawang rebelyon ang mga Tsino. Ito ay ang Rebelyong Taiping (Taiping Rebellion) noong 1850 at Rebelyong Boxer (Boxer Rebellion) noong 1900.
Nasyonalismo sa China
Taiping Rebellion 1900
Pinamunuan ni Hung Hsiu Ch’uan (Hong Xiuquan) ang Rebelyong Taiping laban sa Dinastiyang Qing na pinamumunuan ng mga dayuhang Machu. .
Taiping Rebellion 1900
Taiping Rebellion
Layunin ng rebelyong ito na mapabagsak ang Dinastiyang Qing upang mahinto na ang pamumuno ng mga dayuhan sa kanilang bansa.
Self-Strengthening Movement
Ito ay isang panahon kung saan nireporma ng mga Tsino ang kanilang lipunan dahil sa sunod-sunod na pagkatalo sa mga dayuhan.
Self-Strengthening Movement
Peking Field Force
Ito ay isang armadong yunit na dinepensahan ang kabisera ng imperyo, ang Beijing sa mga huling bahagi ng Dinastiyang Qing.
First Sino-Japanese War
First Sino-Japanese War
Ito ay ang paglalaban ng China (Qing Dynasty) at ng Imperyong Hapones dahil sa kagustuhan nilang dalawang sakupin ang Korea.
Beiyang Fleet
Ito ay isa sa apat na modernong navy ng Dinastiyang Qing. Bago naganap ang Sino- Japanese War, ito ang pinakamalaking plota (fleet) sa buong Asya at pang-walo sa pinakamalaki sa buong mundo noong 1880s.
Beiyang Fleet
Battle of the Yalu River (1884)
Battle of the Yalu River (1884)
Ito ang pinakamalaking labanan sa dagat noong Unang Digmaang Sino-Hapones. Ito ay nangyari noong Setyembre 17, 1884. Ito ang labanan kung saan bumagsak ang kapangyarihan ng Beiyang Fleet.
Treaty of Shimonoseki
Treaty of Shimonoseki
Ito ay ang tratadong nilagdaan ng Dinastiyang Qing at ng Imperyong Hapones. Ito ay nilagdaan noong Abril 17, 1885, na nagpatapos ng Unang Digmaang Sino-Japanese.
Mga kinilalang pinuno
Mga kinilalang Pinuno sa China
Empress Dowager Cixi
Siya ang Empress Dowager at regent ng Tsina mula 1861 hanggang 1908.
Henry Puyi
Siya ay naging emperador sa edad na dalawang taon. Si Puyi o Henry Puyi para sa mga Kanluranin ang huling emeprador ng dinastiyang Qing (Manchu) at itinuturing din na huling emperador ng Tsina.
Sun Yat-Sen
Siya ay isang physician. Siya ay pinanganak noong Nobyembre 12, 1866 at namatay noong Marso 12, 1925. Siya ang tinaguriang “Ama ng Lipunan ng Tsina” at siya ang tinaguriang “Founding Father ng Republic of China.”
Chiang Kai-Shek
Siya ay isang politiko at pinunong militar na nagsilbing pinuno ng Republic of China. Siya ay isang malapit na kaalyado ni Sun Yat-Sen at siya rin ang pumalit o humalili sa puwesto o posisyon ni Sun Yat-Sen sa pagiging pinuno nito ng grupong Kuomintang (KMT).
Mao Zedong
ay isang komunistang pinuno ng Tsina. Namuno sa Partido Komunista ng Tsina na nagumpisa para itatag ang isang sosyalistang bansa.
Ito ay isang reporma na isinagawa mula Hunyo 11 hanggang Setyembre 21, 1898. Ito ay pinangunahan ng Guangxu Emperor at ng kanyang mga sumusuportahang tao.
Hundred Day’s Reform
Nagsagawa ng maramihang pagpatay ang mga mga boxer. Mula sa probinsiya, kumalat ang Rebelyong Boxer hanggang sa Peking (Beijing).
Nagpadala ng puwersang militar na mayroong 2,100 na mga sundalo ang United States, Great Britain, Russia, France, Italy at Japan upang maprotektahan ang kanilang mga mamamayan sa China at masupil ang rebelyon.
Nagapi ang mga boxer dahil sa pagtutulungan ng mga dayuhang imperyalista. Nabawi ng mga imperyalista mula sa mga boxer ang Peking noong Agosto 14, 1900.
Boxing Rebellion
Sinikap ng mga Tsino na magsagawa ng reporma subalit hindi ito maisakatapuran dahil sa impluwensiya ng mga Kanluranin sa pamahalaang Manchu. Nang mamatay si Empress Dowager Tzu Hsi noong 1908, lalong lumala ang sitwasyon ng kahirapan sa Tsina. Siya ay pinalitan ni Puyi na naging emperador sa edad na dalawang taon. Si Puyi o Henry Puyi para sa mga Kanluranin ang huling emeprador ng dinastiyang Qing (Manchu) at itinuturing din na huling emperador ng Tsina

Answer:

Ito ang mga sumusunod:

1. Kuomintang o Nationalist Party sa pamumuno ni Sun Yat Sen, at pagkamatay nito ay pinalitan ni Chiang Kai Shek.

2. Marxism na pinasimulan ni Mao Zedong na kabilang sa nagtatag ng Partido Komunista sa China.

3. United Front o ang pagkakaisa ng mga Nasyonalista at mga Komunista noong salakayin sila ng mga Hapon.

Muling naglaban ang Nasyonalista at Komunista pagkatapos nito.  Sinuportahan ng US ang mga Nasyonalista samantalang Russia naman ang sa Komunista.  Natalo ang Nasyonalista at nanatili hanggang ngayon ang pamamahala ng mga Partido Komunista.

Explanation:

paki brainliest po plss

Salamat sa iyong pagbisita. Kami ay nakatuon sa pagbibigay sa iyo ng pinakamahusay na impormasyon na magagamit. Bumalik anumang oras para sa higit pa. Salamat sa iyong pagbisita. Kami ay nakatuon sa pagtulong sa iyong makahanap ng impormasyon na kailangan mo, anumang oras na kailangan mo ito. Mahalaga ang iyong kaalaman. Bumalik sa Imhr.ca para sa higit pang mga sagot at impormasyon.