Ang Imhr.ca ang pinakamahusay na lugar upang makakuha ng mabilis at tumpak na mga sagot sa lahat ng iyong mga tanong. Maranasan ang kaginhawaan ng pagkuha ng mapagkakatiwalaang sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga eksperto. Kumonekta sa isang komunidad ng mga propesyonal na handang tumulong sa iyo na makahanap ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at mahusay.

Anong mga
elemento ng kultura na nabago sa panahon ng Espanyol?​

Sagot :

Answer:

Pagbabago sa Lipunan at Kultura sa Panahon ng Espanyol

1. ARALIN 6 – PAGBABAGO SA LIPUNAN AT KULTURA SA PANAHON NG ESPANYOL

2. 1565 – Paring Augustino ang mga misyonerong dumating Sa pamumuno ni Padre Andres de Urdaneta

3. 1577 – sinundan ito ng mga Paring Pransiskano 1581 – Mga Heswita

4. 1587 – Mga Dominikano 1606 – Mga Rekoletos 1895 – mga Benedikto

5. REDUCCION - panukala ng mga prayle na tipunin ang mga katutubo sa isang lugar.

6. Para sa ating mga ninuno, hindi tugma sa kanilang pamumuhay ang inihahaing bagong pamayanan.

7. Dahil sa pagtanggi ng karamihan sa panukalaang sama-samang panirahan, napagpasayahan na ang lugar na malapit sa ilog o sa dagat ay gawing cabecera.

8. CABECERA Panahanang pinakasentro ng parokya. PAROKYA – isang lugar kung saan sama-samang naninirahan ang mga tao sa pamamahala ng isang pari.

9. Ang mga lugar na ito ay tinatawag na pueblo kung saan ang mga naninirahan ay kailangang sumunod sa mga patakarang kolonyal.

10. Ang bawat pueblo ay may plaza complex na matatagpuan sa mismong gitna o sentro.

11. Napadali ang kanilang pamamahala at mas mabilis nilang napalaganap ang Kristiyanismo.

12. Ang sentro ng pamayanan ay napapaligiran ng mga bahay ng mga Espanyol. Susunod naman ang mga bahay ng mga principalia (mga hacenderos, propesyunal, at mga dating pinunong katutubo na ngayon ay bahagi ng pagpapatupad ng patakarang kolonyal.

13. Ang hanay ng tirahan ng mga principalia ay sinundan ng tirahan ng mga karaniwang katutubo. Ang hanay ng mga bahay na ito ay papaplayo na sa sentro.

14. Ang mga lugar na malayo rito ay ginawang sitio at ang lalong malalayong lugar ay rencheria.

15. Kung ikaw ay naninirahan malapit sa plaza, ito ay nangangahulugan na Malaki ang iyong kapangyarihang pulital at ang iyong bahay ay karaniwang gawa sa bato.

16. Kung ikaw naman ay nanirahan malayo sa plaza, maliit o wala kang kapangyarihang pulitikal.

17. PAGLAGANAP NG KRISTIYANISMO

18. Gumamit ng mg larawan ang mga prayleng hindi pa marunong ng wika ng katutubo. naniwala ang mga prayle na higit na magiging mabisa ang paghikayat kung gagamit sila ng wika ng katutubo sa pagtuturo ng relihiyon.

19. PAGKUHA SA TIWALA NG MGA KATUTUBO: • Sila ang naging taga-alo ng mga ito sa sandal ng kalingkutan at paghihirap.

20. PAGKUHA SA TIWALA NG MGA KATUTUBO: • Sila ang naging patnubay ng mga mamamayan sa kanilang mga gawain.

21. PAGKUHA SA TIWALA NG MGA KATUTUBO: • Sila rin ang tumatayong manggagamot sa mga dumudulong na maysakit.

22. PAGKUHA SA TIWALA NG MGA KATUTUBO: • Sila rin ang nilalapitan ng mga Pilipino sa paghingi ng tulong laban sa mga encomienderong mapang- abuso.

23. Naakit din ang mga katutubo sa magagandang simbahan, mga prusisyon at mga kapistahan

24. Nang lumaon, niyakap ng mga sinaunang Pilipino ang relihiyong Kristiyanismo. Halos araw-araw silang nagsisimba lalo na sa araw ng lingo.

25. Ang bawat pagsunod na ginawa at pagbigay sa misa ay may kapalit na siyang magdadala sa kanila sa langit at iiwas sa apoy ng impiyerno.

26. Tuwing kapistahan, ang mga Pilipino ay naghahanda upang hindi magtampo ang patron at lagi silang biyayaan nito.

28. EDUKASYON SA PANAHON NG ESPANYOL

29. LAYUNIN NG PAARALAN • Gawing masunurin at takot sa Diyos ang mga katutubo. • Pagsasaulo ng mga dasal • Pagdisiplina sa pamamagitan ng takot at pananakit kapag hindi nakasusunod sa itinuturo ng guro.

30. LAYUNIN NG PAARALAN • Tinuturuan rin ang mga bata ng tungkol sa relihiyon, pagsulat, pagbasa, pagbilang, sining, musika at paghahanapbuhay.

31. Sa mga paaralang pribado, ang karaniwang nakapag-aaral lamang doon ay ang mga anak ng mga principalia.

32. Ang unibersidad, ang pinakamataas na edukasyon, ay itinaguod ng mga Heswita at Dominikano.

33. Magkahiwalay ang paaralan para sa mga lalaki at mga babae.

34. Mga kauna- unahang kolehiyong panlalaki na itinayo ng mga Heswita