Gawain 1: Fact o Bluff Panuto: Suriin ang sumusunod na pangungusap kung ito ba ay TAMA O MALI. Isulat ang FACT kung ang pahayag ay TAMA, at BLUFF kung ang pahayag ay MALI. Isulat sa inyong sagutang papel. 1. Hindi tulad ng Luzon at Visayas, ilang bahagi lamang ng Mindanao ang nasakop ng mga Espanyol dahil sa matagumpay na pakikipaglaban ng mga rruslim. 2. Ang Divide and Rule Policy ay isang patakaran ng mga Kanluranin na ipinatupad sa Pilipinas. 3. Ang mga bansang nakasakop sa East Indies o Indonesia ay ang mga bansang Portugal, Netherlands, at Spain. 4.. Bukod sa kalakalan, sinubukan din ng mga Portuges na palaganapin ang Kristiyanismo sa mga daungan na kanilang nasakop sa Malaysia subalit hindi sila nagtagumpay dahil sa malakas na impluwensiya ng Islam sa rehiyon. 5. Hindi tulad ng mga Espanyol, sinakop lamang ng mga Dutch ang mga sentro ng kalakalan ng mga Indones noong 1511. Ito ang naging pangunahing patakaran ng mga Dutch sa pamumuno ng Du ch East India Company sa pananakop dahil mas malaki ang kanilang kikitain at naiiwasan pa nila ang pakikidigma si mga katutubong pinuno.