WAG NA PO MAG GIVE ANSWER KUNG KALOKOHAN PO ANG I A-ANSWER
Pista sa Aming Bayan
Masayang-masaya ang lahat. Araw ng pista ngayon sa aming bayan. Maraming tao ang nagsimba. Masigla at
masaya ang kalembang ng kampana sa simbahan.
Walang tigil ang masipag na banda ng musiko sa paglibot sa mga lansangan habang nagbibigay ng masiglang
tugtugin.
Naggagandahan ang mga arko sa mga panulukan ng mga kalye.
Naku, higit sa lahat kabi-kabila ang handaan. May mga naglilitson dito at doon. Malalaking talyasi ng pagkain ang
nakasalang sa kalan sa mga kusina at sa mga bakuran. Mula tanghalian hanggang hapunan ay pagsasalo-saluhan ang mga
inihandang pagkain ng mga magkakamag-anak, magkakaibigan, at mga panauhin. Kainang hindi matapos-tapos. Ganyan
ang pista. Nakalulungkot tuloy isipin na ang pista ay tila kainan na lamang at nawawala na ang diwang ispiritwal ng okasyon.
E, bakit nga ba may pista? Hindi ba’t nagdudulot lamang ito ng malaking gastos? Hindi ba’t malaking pag-aabala ito? Pero
sadyang hindi na maiaalis sa kulturang Pilipino ang pagpipista at pamimista. Ito’y isang kaugaliang minana pa natin sa ating
mga ninuno.
Ang pista ay araw ng pasasalamat sa Poong Maykapal sa mga biyayang ipinagkakaloob Niya sa mga tao. Ito ay
araw ng pagdakila. pagpuri at pagpaparangal sa Panginoon. (Hango sa Landas sa Pagbasa 6, pahina 24-26)
1. Ano ang pista?
2. Ano ang paniniwala ng may akda na nais iparating sa mambabasa tungkol sa pagdiriwang ng pistang bayan?
3. Batay sa binasang teksto, anong isyu o suliranin ang napansin mo?
4. Magbigay ng mungkahing solusyon ayon sa suliraning napansin mo.
5. Sa panahon natin ngayon paano natin maipagdiriwang ang pista na hindi tayo mahahawahan ng sakit na dala ng