II. PANUTO: Pillin ang tamang saloobin hinggil sa mga pangyayari. Isulat ang titik ng tamang sagot. a. nakikilahok sa mga gawaing simbahan. b. pakikihalubilo sa mga taong may ibang relihiyon at paniniwala. c. nag-iisip ng paraan paano mapauunlad ang pananampalataya. d. inaalam ang mga ritwal na ginagawa ng iyong kinabibilangang relihiyon. e. Sa pagdiriwang ng relihiyon nakikilahok para sa pagpapaunlad ng kaalaman sa pagbabasa ng banal na kasulatan. 6. Sama-samang nagsisimba ang pamilya Molera. Dumadalo din sila sa mga prusisyon at mga novena ng kanilang simbahan. Pag-uwi ng bahay ay nagdarasal silang sabay-sabay. 7. Miyembro ng choir ng simbahan si Benny. Siya din ay katuwang ng pari sa pag-aayos ng mga kailangan sa mga gagawing pagdiriwang ng simbahan. Masaya niyang ginagawa ang mga ito ng walang kapalit. 8. Si Roy ay isang Katoliko, may kaibigan siyang Muslim na si Jamaimah. Madalas silang maglaro at magkwentuhan ng mga may kaugnayan sa Diyos kahit na sila ay magkaiba ng paniniwala. 9. Si Anita ay nagdarasal araw-araw. Nagbabasa siya ng mga salita ng Diyos at ibinabahagi niya ito sa kapuwa. Inaalam din niya ang mga dapat na maging gawi upang higit pang makilala ang Panginoon at ang tamang pakikipag-ugnayan sa kapuwa. 10. Ang pamilya Santos ay nakikiisa sa pagdiriwang ng simbahan at nagyayaya ng ilang kasama na dumalo.