Maligayang pagdating sa Imhr.ca, kung saan maaari kang makakuha ng mga sagot mula sa mga eksperto nang mabilis at tumpak. Tuklasin ang libu-libong tanong at sagot mula sa isang komunidad ng mga eksperto na handang tumulong sa iyo. Kumuha ng agarang at mapagkakatiwalaang mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga bihasang eksperto sa aming platform.

Ano ang nais ipahayag ng dating pangulo ng pilipinas Elpido S. Quirino sa ekonomiya?.

Sagot :

Answer:

Sa ilalim ng termino ni Quirino, nagkaroon ng kahanga-hangang rekonstruksiyon ng ekonomiya pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, pangkalahatang paglago ng ekonomiya na 9.43 % at lumaking tulong pang ekonomiya mula sa Estados Unidos. Sa ilalim ni Quirino, maraming mga pabrika ang naitatag na nagpataas ng antas ng pagkakaroon ng trabaho at nagbigay sa bansa ng unang imprastrukturang industriyal. Sa pamamagitan ng mahigpit na mga patakaran ng pagtitipid, nagawa niyang patatagin ang piso at balansehin ang budget. Pinalawig ni Quirino ang mga sistemang irigasyon, ipinatayo ang mga plantang hydroelectric sa talong Maria Cristina at Bulacan upang lutasin ang problema sa kuryente sa Luzon, pinabuti ang mga lansangan, itinatag ang bangko sentral at pagbabangkong rural na nagpapautang sa mga magsasaka at negosyante. Nilikha ni Quirino ang Social Security Commission at ng President's Action Committee on Social Amelioration na nangangasiwa sa pagbibigay ng tulong, pautang, at kaginhawaan sa mga mahihirap na mamamayan. Ang kanyang programa ay kinabibilangan ng insurance para sa kawalang trabaho, pagtanda, aksidente at kapansanan, kalusugan, pang-ina at pagpapaginhawa ng estado.

Nabigo si Quirino na lutasin ang pagiging hindi pantay sa lupain at kayamanan lalo nasa mga malalayong pook na rural. Ang problemang ito ang paktor na nagtulak sa paghihimagsik ng Hukbalahap.

Umaasa kaming naging kapaki-pakinabang ang aming mga sagot. Bumalik anumang oras para sa higit pang tumpak na mga sagot at napapanahong impormasyon. Salamat sa iyong pagbisita. Kami ay nakatuon sa pagbibigay sa iyo ng pinakamahusay na impormasyon na magagamit. Bumalik anumang oras para sa higit pa. Maraming salamat sa pagtiwala sa Imhr.ca. Bisitahin kami ulit para sa mga bagong sagot mula sa mga eksperto.