Tinutulungan ka ng Imhr.ca na makahanap ng maaasahang mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan mula sa mga eksperto. Ang aming platform ay nag-uugnay sa iyo sa mga propesyonal na handang magbigay ng eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga katanungan. Sumali sa aming Q&A platform upang kumonekta sa mga eksperto na dedikado sa pagbibigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang larangan.

Ano-ano ang mga isyung panlipunan na tinalakay sa Florante at Laura.

Sagot :

Answer:Ang Florante at Laura ay isang awit na napakayaman sa mga aral na maaari nating magamit sa ating buhay. Isa rin ito sa mga awit na nilikha ng mga mahuhusay na Pilipinong manunulat noong panahon ng Kastila, at ipinapakita ang kahusgaan na nangyari noong panahon ng Kastila. Ang Florante at Laura ay nagsisimbolo rin ng kalakasan ng taong Pilipino, at ang ating determinasyon na lutasin ang ating mga problema. Ngunit, pinag-iisipan itong tanggalin sa kurikulum ng mga estudyante.

Kapag tinignan nating mabuti ang mga problema na naganap sa Florante at Laura, maiiugnay natin ito sa mga isyu na nangyayari at nakikita sa ating lipunan. Isa sa mga isyu na iyon, ay ang paghuhusga sa kapwa na nangyayari pa rin hanggang ngayon. Sa Florante at Laura, makikita natin na ang mga Moro at Kristyano ay magkalaban, tulad ni Aladin at Florante. Ngunit, kahit na magkaaway sila sa relihiyon, nagtulungan pa rin sila, at sa huli ay nalutas nila ang kanilang problema. Dito natutunan natin na ang lahat ng tao ay pareho lamang, kahit anumang relihiyon. Pareho ito sa problema sa Mindanao. Ang mga Kristyano at Muslim ay nag-aaway, at ang masamang epekto nito ay nararamdaman ng buong mundo, tulad ng mga rebeldeng pumapatay ng mga taong Kristyano. Pangalawa, ay ang pagkakurakot at ang mga abuso na ginagawa ng Gobyerno. Sa Florante at Laura, si Adolfo, ang masamang hari, ay nagpatay ng napakaraming tao. Pinapatay ng kanyang gobyerno ang mga mabubuting tao, habang ang mga masasamang tao ay pinapala at namumuno sa gobyerno. Kailangan nating buksan ang ating mata, dahil nangyayari din ito sa ating kapaligiran. Isang halimbawa ay ang gobyerno noong panahon ni Ferdinand Marcos. Ang kanyang gobyerno, tulad ng gobyerno ni Adolfo, ay mahilig sa puwersa, at ginagawa ang lahat para manatili sila sa kanilang posisyon. Isang halimbawa ng kanilang ginawa ay ang pagpapatay kay Ninoy Aquino. Ang mga bagay na ito, ay nangyayari talaga sa mundong ito, at mahirap talaga itong pigilan. Ngunit sa pagbabasa ng Florante at Laura, malalaman natin ang mga solusyon sa mga problemang hinaharap natin. Malalaman natin na ang totoong solusyon sa lahat ng mga problema, ay ang pagmamahal sa kapwa tao. Iniisip ng mga tao na masyadong mababa na sabihin ang pagmamahal ay ang solusyon sa ating mga problema, pero totoo na nagdudulot ito ng pagbabago. Tulad sa Florante at Laura, nalutas nila ang kanilang mga problema sa pamamagitan ng pagmamahal sa isa’t isa. Kung hindi tinulungan ni Aladin si Florante, at si Flerida kay Laura, hindi nila makuha ang kanilang mga gusto. Sa pagbabasa ng Florante at Laura, ay matututo din natin ang iba’t ibang aral na maaari nating gamitin sa totoong buhay. Malalaman ng mga estudyanteng magbabasa ng Florante at Laura kung paano magmahal sa kapwa tao. Mahalaga talaga ito, dahil ito ang kulang sa ating bansa. Kadalasan ay hindi natin tinutulungan ang mga taong mahihirap na nakikita natin sa kalye, kaya tuloy hindi umaahon ang mga mahihirap sa ating bansa.

Bilang isang estudyanteng nagbasa ng Florante at Laura, alam ko na mayroon itong maraming aral na maari nating gamitin sa ating pang araw-araw na pamumuhay. Ang Florante at Laura ay dapat manatili sa kurikulum ng mga estudyante, dahil nilalabas nito ang kabutihan sa bawat taong nagbasa ng awit na ito. Naniniwala ako na ang mga bida sa Florante at Laura tulad ni Aladin at Florante, ay maaaring maging mabuting halimbawa sa mga mambabasang estudyante. Sa lahat ng ito, naniniwala ako na uunlad muli ang bayang Pilipinas. Dahil ang kabataan ay ang pag-asa ng kinabukasan, kailangan nilang mag-aral ng mabuti, para malaman kung paano nilang lutasan ang mga problemang haharapin ng ating bansa. Ang pagtatanggal ng Florante at Laura ay hindi makakabuti sa ating bansa, at dapat ito manatili sa kurikulum ng mga estudyante sa buong Pilipinas.

Explanation:

Pinahahalagahan namin ang iyong oras. Mangyaring bumalik muli para sa higit pang maaasahang mga sagot sa anumang mga tanong na mayroon ka. Pinahahalagahan namin ang iyong pagbisita. Lagi kaming narito upang mag-alok ng tumpak at maaasahang mga sagot. Bumalik anumang oras. Maraming salamat sa pagbisita sa Imhr.ca. Bumalik muli para sa higit pang kapaki-pakinabang na impormasyon at sagot mula sa aming mga eksperto.