PAGTATAYA Binagong Tama o Mali. Bilugan ang “Tama” kung wasto ang ipinapahayag ng pangungusap. Kung hindi, bilugan ang “Mali” at iwasto ang salita/mga salitang nakasalungguhit. Isulat ito sa nakalaang linya matapos ng bawat pangungusap. Tama Mali
1. Ang tagumpay ng pananakop ng mga Kanluranin sa Silangang Asya ay nagsimula noong unang yugto ng kolanyalismo at imperyalismo. _________________________
2. Ipinatupad ng pamahalaang China at Japan ang isolationism o pagsasara ng kanilang mga bansa sa panahon ng pagsisimula ng kolonyalismo at imperyalismong Kanluranin. _________________________
3. Sa ilalim ng open door policy isang rehiyon ng bansa ay nasa ekonomikal na pamamahala ng isang dayuhang bansa. _________________________
4. Ang pakikipagkasundo ng Shogunatong Tokugawa sa mga Dutch na pagkalooban ang mga ito ng mga daungang pangkalakalan ay humantong sa pabubukas ng bansa sa daigdig sa mahabang panahon ng pagsasara nito. _________________________
5. Ang modernisasyon ng lipunang Japan ay naging daan sa pagiging imperyalistang bansa nito tulad ng mga Kanluranin. _________________________
6. Ang dominasyon ng mga Kanluranin sa Timog-Silangang Asya ay nag-ugat sa matinding interes nito sa mga pampalasa o rekado na matatagpuan sa Malacca. _________________________
7. Unang nagtatag ng kauna-unahang daungang pangkalakalan sa Timog-Silangang Asya ang mga Portuguese sa Moluccas noong 1511 _________________________
8. Ipinatupad ng mga Dutch ang culture system noong 1830 para sa sapilitang pagtatanim ng mga halamang agrikultural na panluwas ng Netherlands sa mga pamilihan sa Europa. _________________________
9. Nasakop ng mga British ang Myanmar matapos ang tatlong Anglo-Burmese War at naging probinsya ng British India. _________________________
10. Ang bansang Korea ang nanatiling malaya sa paglaganap at pagpapalawak ng kapangyarihang Kanluranin sa Timog-Silangang Asya. _________________________
pasagot po ung correct ans po Sana kailangan ko na ASAP