Ang personal na misyon sa buhay ng tao ay maaaring mabago o mapalitan
sapagkat patuloy na nagbabago ang tao sa konteksto ng mga sitwasyon na
nangyayari sa kaniyang buhay. Ngunit magkagayon man, ito pa rin ang magsisilbing
saligan sa pagtahak niya sa tamang landas ng kaniyang buhay. Sabi nga sa isang
kataga, “All of us are creators of our own destiny”. Ibig sabihin, tayo ang lilikha ng
ating patutunguhan. Napakaganda hindi ba? Kaya pag-isipan mong mabuti,
sapagkat anuman ang iyong hahantungan, iyan ay bunga ng iyong mga naging
pagpapasya sa iyong buhay. Sa pagbuo mo ng personal na misyon sa buhay dapat
nakaugnay ito sa kung ano ang mga layunin mo sa buhay, ano ang iyong
pinapahalagahan, at nais mong marating at sino ang mga tao na gusto mong
makasama at maging kaagapay sa iyong mithiin sa buhay.
Explanation:
Sana makatulong