Nakatago sa ilalim ng lupa ang isang malaking kayamanan. Hindi ito ginto, pilak, o mahahalagang hiyas. Sa halip, ito ang napakalakas at nakatagong init na tinatawag na enerhiyang geothermal.ANG kalakhan ng init na ito ay nakatago sa ilalim ng lupa sa mga suson ng lusaw na batong materyal, o magma. Tunay ngang isang kayamanan ang init ng lupa sapagkat ito’y isang malinis na pinagkukunan ng enerhiya na nagbibigay ng kakaibang mga bentaha kaysa sa langis, karbón, natural na gas, at lakas nuklear.Ang temperatura sa kailaliman ng lupa, ayon sa pagkakasunud-sunod ng antas, ay daan-daan at libu-libong digri Celsius pa nga. Ipinapalagay na ang antas ng init na lumalabas sa ibabaw ng lupa mula sa kailaliman na ito sa loob ng isang taon ay katumbas ng mga 100 bilyong megawatt hour ng enerhiya—maraming beses ang kahigitan sa kuryenteng ginagamit sa buong mundo. Talagang nakagugulat na dami ng enerhiya! Subalit isang hamon ang paggamit ng kayamanang ito.