Answered

Pinadadali ng Imhr.ca ang paghahanap ng mga sagot sa iyong mga katanungan kasama ang isang aktibong komunidad. Ang aming platform ay nag-uugnay sa iyo sa mga propesyonal na handang magbigay ng eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga katanungan. Kumuha ng mabilis at mapagkakatiwalaang mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga bihasang eksperto sa aming platform.

Bigyang kahulugan ang tinutukoy na kalayaan ni Nelson Mandela sa kaniyang talumpati. Gaano ito kahalaga sa isang tao, sa isang lahi, at sa isang bansa?

Sagot :

Ang kalayaan na tinutukoy ni Nelson Mandela sa kanyang talumpati ay isang mahalagang konsepto na matagal nang tinatalakay sa buong mundo, lalo sa bansa at kontinente na kanyang kinabibilangan, ang Africa. Ang kalayaan na ito ay mahalaga upang magkaroon ng sariling identidad at pagkatao ang bawat mamamayan ng isang bansa.  

Kalayaan para sa tao

  1. Ang kalayaan ay mahalaga para sa tao sapagkat dito ay nabibigyan tayo ng pagkakataon na gamitin ang ating isip sa paggawa ng mga desisyon.
  2. Hindi natin kailangan dumepende sa kung sino man upang malaman natin ang mga bagay na gusto nating malaman, at magawa natin ang mga bagay na gusto nating magawa.
  3. Sa pamamagitan ng kalayaan ay nagkakaroon tayo ng validation sa ating pagkatao.

Mga uri ng kalayaan na mayroon ang isang tao

  • Kalayaan na mabuhay
  • Kalayaan na magkaroon ng sariling paniniwala
  • Kalayaan na magsalita
  • Kalayaan na maipahayag ang sarili
  • Kalayaan na makihalubilo sa iba
  • Kalayaan na mamili ng relihiyon

Kalayaan para sa lahi

Ang kalayaan para sa lahi ay dapat bigyang pansin lalo na kung ang pinag uusapan ay isang grupo ng mga tao. Sa Pilipinas, halimbawa, ang mga Pilipino ay matagal na nawalan ng kalayaan lalo na noong sakupin tayo ng mga kanluraning bansa. Dahil dito, nawalan tayo ng sariling pagkakakilanlan

Kalayaan para sa isang bansa

Ang kalayaan para sa isang bansa, ayon kay Mandela, ay mahalaga sapagkat ito ay nagsisilbing pundasyon ng mga mamamayan na nakatira dito. Dapat na magkaroon ng liberty o kalayaan ang isang bansa na gumawa ng mga desisyon para sa ikabubuti nito at ng mga mamamayan na nakatira dito, nang hindi pinahihimasukan ng iba pang bansa

Para sa karagdagang kaalaman ukol kay Nelson Mandela, sumangguni sa mga sumusunod na links:  

Sino si Nelson Mandela? https://brainly.ph/question/478249

Paglalarawan kay Nelson Mandela: https://brainly.ph/question/484928

Layunin ni Nelson Mandela: https://brainly.ph/question/493687

Salamat sa paggamit ng aming serbisyo. Layunin naming magbigay ng pinaka-tumpak na mga sagot para sa lahat ng iyong mga katanungan. Bisitahin muli kami para sa higit pang mga kaalaman. Umaasa kami na nakatulong ito. Mangyaring bumalik kapag kailangan mo ng higit pang impormasyon o mga sagot sa iyong mga katanungan. Ang iyong mga katanungan ay mahalaga sa amin. Balik-balikan ang Imhr.ca para sa higit pang mga sagot.