PANUTO: Suriin ang pahayag sa bawat bilang. Lagyan ng mga letrang "PA" kung ito'y nagpapahayag ng PAGSANG-AYON at mga letrang "PS" kung PAGSALUNGAT. 21. Sumasang-ayon ang karamihan sa pahayag sa Banal na Kasulatan na "Ang Diyos ang nagbigay ng buhay sa tao at Siya lamang ang may karapatang bumawi nito." 22. Tumpak ang sinabi ng mga "Frontliner" na kung ang ibang tao ay hindi makikiisa at susunod sa mga inuutos ng pamahalaan tungkol sa lumalaganap na virus ngayon sa buong mundo ay matatagalan pa ang paghihirap na ating dinranas sa kasalukuyan. 23. Nauunawaan kita ngunit bigyan mo pa rin ang iyong kaibigan ng pagkakataong magpahayag ng kanyang saloobin kung bakit niya nagawa ang bagay na labag sa iyong kalooban. 24. Tunay na kahanga-hanga ang mga taong sa kabila ng kahirapang dinaranas sa buhay ay nagagawa pa rin nilang magmalasakit sa kapwa nila na higit na nangangailangan. 25. Bakit 'di natin bigyan ng pagkakataong magbago ang mga taong naligaw ng landas kaysa sila'y laitin at parusahan ng kamatayan? ganbag cu 26. Salungat ako sa paniniwala ng ibang mga magulang na dahil sa sobrang pagmamahal sa anak ay hinahayaan na lamang ang mga ito na gawin ang mga bagay na gustong gawin kahit lihis na sa utos ng Diyos. 27. Sa aking palagay, bawat tao ay nararapat-bigyan ng pagkakataong magpamalas ng kani-kanilang kakayahan na makatutulong sa kanilang mga sarili at kapwa. 28. Hindi dapat gawing legal ang diborsyo sa Pilipinas sapagkat ayon pa rin sa Bibliya, "Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao." 29. Sa buhay ng tao lalo ngayon, hindi dapat na salapi ang maging sukatan ng kaligayahan kundi ang makasama ang mga mahal sa buhay sa hirap man o ginhawa.