1. Ang kabuuang sukat ng lote ng bahay ay 68 metro. Ilang sentimetro ang
katumbas nito?
2. Ilang metro ang taas ng gate ng paaralan kung ito ay 1500 sentimetro?
3. Bumili si Maricar ng 1⁄2 kilong karneng baka at 1⁄2 kilong karneng baboy, ilang
gramong karne ang kanyang binili?
4. Bumili si Aling Fe ng 7 na kilo ng buko para sa paggawa ng buko pie. Ilang
gramo ng buko ang kanyang binili?
5. Nakainom si Lara ng 2 1⁄2 litrong tubig, 500 ml na lemon juice at 250 ml na
malunggay juice sa isang araw. Ilang mililitro ng inumin ang nauubos niya sa
isang araw?
6. Nag-jogging si Nicole ng 1500 m. Ilang kilometro ang natakbo niya sa isang
araw?
7. Gaano karami ang matitira kung nagamit mo ang 350 ml mula sa 850 ml na
jam na binili mo?
8. Naglakbay ang kotse ng 3500 m sa umaga at 4500 m sa hapon. Gaano
kalayo ang nalakbay ng sasakyan sa buong maghapon? Ilang kilometro ang
katumbas nito?
9. Ang bathtub ay naglalaman 75000 ml na tubig. Ilang litro ng tubig ang
maaring ilagay dito?
10. Bumili si Rommel ng 30000 gramong patatas, ilang kilo ang katumbas nito?