Gawain sa pagkatuto bilang 3 pagpapahalaga sa mga tungkulin dapat gampanan ng bawat pilipino upang mapanatili ang demokrasya sa bansa. sa muling pagkakamit ng tunay na demokrasya sa bansa ay mahalagang maunawaan ng bawat isa na ang karapatan at kalayaang tinatamasa ng mga mamamayan ay may katapat na tungkulin at pananagutan. basahing mabuti ang mga pahayag at lagyan ng markang tsek (✓) kung ito ay mga tungkuling dapat gawin ng mga pilipino at ekis (x) naman kung hindi. ____1. ipagtanggol ang bansa sa lahat ng oras. ____2. tangkilikin ang mga produktong galing sa ibang bansa nang higit sa mga gawang pinoy. ____3. sundin ang mga batas ng pamahalaan. ____4. samantalahin ang kahinaan ng kapwa. ____5. magsikap upang mapaunlad ang sarili. ____6. umasa lagi sa tulong ng mga magulang at mga kamag-anak. ____7. bumoto nang matalino. ____8. magbayad ng tamang buwis sa tamang panahon ____9. tumulong sa mga proyektong magpapaunlad sa bansa ___10. igalang ang karapatan ng kapwa