Makakuha ng pinakamahusay na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang mapagkakatiwalaang Q&A platform. Tuklasin ang isang kayamanan ng kaalaman mula sa mga propesyonal sa iba't ibang disiplina sa aming komprehensibong Q&A platform. Tuklasin ang malalim na mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga eksperto sa aming madaling gamitin na Q&A platform.

Magbigay ng mabuting at di mabuting epekto ng reporma sa ekonomiya.

Sagot :

Answer:

sana makatulong

Explanation:

sana makatulong

View image princesschloebon

Answer:

Sa nagdaang tatlong taon, sumailalim ang Pilipinas sa isang pagbabagong radikal: Mula sa pagkakaroon ng isang pamahalaang nagtatag ng mga gawaing tigib ng korupsiyon, patungo sa isang pamahalaan na nagkakaloob ng mga serbisyo publiko na nakabatay sa mga prinsipyo ng pagiging bukás, pagkakaroon ng pananagutan at integridad; mula sa pagiging tahanan ng mga nananawagan sa pagbabago, tungo sa pangangalaga sa isang bansang binigyang-kapangyarihan at aktibong kumikilos nang sama-sama para sa mas malaking pagkakataon para sa sama-samang pag-unlad.

Ang nananatiling batayan ng pagbabagong ito bílang pilosopiyang nagpapagana sa adyendang panreporma ng administrasyong Aquino: Kung kaya nating alisin ang kultura ng korupsiyon sa bansa, mapapagaan natin ang kahirapan at sama-sama tayong makasusulong tungo sa isang Pilipinas na may kaunlarang pantay-pantay.

Upang maipagpatúloy ang momentum ng bansa, patuloy ang administrasyong Aquino sa pagpapahusay ng mabuting pamamahalang itinatag nito, na nagsasangkot sa pagpapalakas ng mga mekanismong kinakailangan para sa mabilis at epektibong pagpapahatid ng mga serbisyo sa mga Pilipino. Nagsagawa ng reporma ang pamahalaan sa mga proseso nito ng paggastos at pagbabadyet upang maisulong ang kapakinabangan at mabawasan ang pagkakataon para sa korupsiyon upang maiwasan ang pagsasayáng ng bilyong piso mula sa perang nalilikom mula sa buwis. Dahil dito, naipapadalá ng pambansang pamahalaan ang mga pondo sa mga pinakaagarang pangangailangan ng bayan—patungo sa mga programa na may malawakang pamumuhunan sa mga serbisyong bayan, kalusugan, at edukasyon, upang mapabuti at mapalakas ang ating pantáong kapital, na manghihikayat naman ng malawakan at pantay-pantay na paglago.

Nagbubunga na ang mga reporma. Noong 2012, nagtalâ ang Pilipinas ng isa sa pinakamalakas nitong taon ng pag-unlad, nilampasan ang lahat ng inaasahan; nagtalâ ang GDP sa unang tatlong buwan ng 2013 ng 7.8% na nagpataas pa sa pamantayan ng mga bansa at lumampas kahit sa takbo ng ating pag-unlad. Inilagay ang Pilipinas ng mga pangunahing ahensiya ng mga rating sa pautang sa antas ng pamumuhunan, samantalang tinataya nila ang patuloy na pagbuti ng lagay ng ating ekonomiya sa hinaharap. At ang mga nakamit na ito ng mabuting pamamahala ay naisasalin sa pagpapabuti ng uri ng pamumuhay ng lahat ng Pilipino, lalo pa ang mahihirap at walang kapangyarihan. Patuloy na tumatanggap ng pinakamalaking bahagdan ng pambansang badyet ang mga serbisyo publiko, at nasa ubod ng ating layuning bawasan ang kahirapan ang mga programa para sa interbensiyon at proteksiyong panlipunan.

Lahat ng mga pagbabagong ito ay naitatag nitong nagdaang tatlong taon, at lahat ng ating nakamit mula sa mga ito ay bumubuo pa lámang sa mga pundasyon. Ang mga bunga ng mabuting pamamahala at tuloy-tuloy na pamumuhunan para sa kapakanan ng ating mga mamamayan ay nakasalalay sa momentum ng Pilipinas hanggang sa lampas sa pagtatapos ng pamumuno ni Pangulong Aquino ngayong darating na 2016.

Pinahahalagahan namin ang iyong oras. Mangyaring bumalik muli para sa higit pang maaasahang mga sagot sa anumang mga tanong na mayroon ka. Salamat sa iyong pagbisita. Kami ay nakatuon sa pagtulong sa iyong makahanap ng impormasyon na kailangan mo, anumang oras na kailangan mo ito. Maraming salamat sa paggamit ng Imhr.ca. Bumalik muli para sa karagdagang kaalaman mula sa aming mga eksperto.