1. Ano ang tumutukoy sa mga kaalaman at kasanayang nakakamtan at umuunlad sa pamamagitan ng proseso at pagkatuto?
A. Research work
B. Komunikasyon
C. Edukasyon
D. Pangarap
2. Ano ang natukoy na pinakamataas na potensyal sa pagbibigay ng trabaho sa mga kursong knowledge-based?
A. Information and Communication Technology
B. Food and beverages services
C. Engineering and technology
D. Mining Engineer
3. Alin sa sumusunod na karera ang may pinakamataas ang demand sa industriya ng contruction?
A. Fabricator, mining and metallurgical technician
B. Fabricator, masonry, pipe filter
C. Fabricator, pipe filter, welder
D. Fabricator, mining, welder
4. Ano ang nagsilsilbing layunin, mithiin o tunguhin ng isang tao na gustong maabot, makamtan at magkaroon ng katuparan?
A. Pangarap
B. Edukasyon
C. Pamilya
D. Lipunan
5. Nais ni mang Jose na magtayo ng pagawaan ng sasakyan. Ano ang dapat niyang gawan?
A. Magsaliksik kung ito ay papatok sa iyong lugar
B. Ipatayo agad ang pagawaan basta’t may perang kapital
C. Huwag nang magdalawang isip, mangutang kung kinakailangan
D. Hingin muna ang payo ng mga kaibigan
6. Nais mong magkaroon ng dagdag na kita. Nais mong magbenta ng mga produkto sa iyong opisina. Ano ang dapat mong gawin?
A. Kumuha ng mga produkto na hilig ng mga kaopisina at ibenta ito ng may mababang presyo upang makatulong at may dagdag na kita kahit konti
B. Alamin ang hilig na mga produkto ng mga kasamahan sa opisina at saka magbenta sa mga ito ng produkto ng kung maaari ay may down payment
C. Mag-obserba kung anong produkto ang hilig ng mga kaopisina at saka ibenta ang mga produkto na maaaring utangin
D. Kumuha ng anumang produkto sa kakilala at ibenta agad ito sa mga kaopisina
7. Nais magtayo nni Aling Siony ng sari-sari store sa kanyang tapat ng bahay. Ano ang dapat niyang gawin?
.A Tignan ang paligid kung marami nang nakatayong sari-sari store o may malapit na pamilihan bago magtayo ng sari-sari store
B. Magpatayo agad ng sari-sari store sa tapat ng bahay kahit maraming kakumpitensiya, babaan lamang ang presyo ng paninda kahit walang masyadong kitain
C. Pag-isipang Mabuti kung ang sari-sari store na itatayo ay makakatulong sa mga kapitbahay o hindi at magkaroon ng malaking kita
D. Magpatayo ng sari-sari store kung kalian nais at magpautang para marami kang mahikayat na kostumer
8. Nakaipon ng malaking halaga ang mag-asawang Karding at Tinay. Nais nilang sumubok magne- gosyo. Ano ang dapat nilang gawin?
A. Magtanong sa mga taong may karanasan na sa pagpapatayo ng negosyo ang magandang itayo sa panahong ngayon, magbasa sa mga pahayagan o magasin upang makakuha ng kaunting kaalaman tungkol sa pagnenegosyo
B. Magtayo ng anumang negsoyo malapit sa bahay upang tipid sa pamasahe
C. Magtanong sa mga kapitbahay kung anong Negosyo ang magandang itayo
D. Magtayo ng isang Negosyo kaagad-agad para hindi magastos ang pera
9. Naging pabigla-bigla si Nina sa pagsosyo sa kanyang pinsan ngunit nalugi ito. anong dapat gawin upang hindi na ito maulit?
A. Maging aral ang pangyayaring ito at pag-aralan muna ang negosyong sasalihan.
B. Idemanda ang pinsan sa pangyayaring ito at maghanda siya.
C. Ipanalangin na lamang ang pinsan upang magbago ito.
D. Magalit sa pinsan at piloting ibalik ang perang binigay.