unlaran sa komunidad). Problema lyong Solusyunan. Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong gamit ang mga konseptong iyong natutuhan mula sa binasang teksto. 1. Datapwat seryoso ang pamahalaan na labanan ang korapsyon, patuloy pa rin ang maling paggasta ng kaban ng bayan. Bilang isang mapanagutang mag-aaral, paano ka makatutulong upang masugpo ito? 2. Maraming tao na ang nagpatunay na hindi hadlang ang kahirapan upang magtagumpay sa kahit anumang negosyo. Ilan sa mga ito sina Lucio Tan, Henry Sy, at Manny Villar. Bilang isang maabilidad na mag-aaral. paano ka makapag-aambag sa ekonomiya ng bansa kahit sa maliit na pamamaraan? 3. Maliban sa mga nabanggit na halimbawa, paano mo ipinakikita ang iyong pagiging makabansa? 4. Ang pagboto ay isang obligasyon ng mga mamamayan ng bansa. Hindi natatapos sa pagboto a obligasyong ito. Kinakailangang makilahok ang bawat isa sa mga proyektong pangkaunlaran. Bilang isa mag-aaral, paano mo ginagamit ang iyong pagiging maalam sa pagpili ng mga pinuno at pakikilahok sa m gawaing pampaaralan at pampamayanan?