MTB
UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA MOTHER TONGUE BASED 3
IKAAPAT NA MARKAHAN
Pangalan :
DATE:
A. Lagyan ng tsek (/) kung ang pahayag ay nararapat na isama sa balangkas at ekis (X) kung hindi.
A. Mag-ingat sa COVID-19 Virus
Ano ang COVID-19 Virus
1. Isang nakahahawang sakit na sanhi ng isang bagong natuklasang virus. 2. Karamihan sa mga taong nahahawahan ng virus na COVID-19 ay
nakararanas ng banayad hanggang katamtamang hirap sa paghinga. 3. Kumakalat ito sa pamamagitan ng mga patak ng laway at
sipon.
4. Hindi ito nagagamot.
5. Kahit sino ay maaaring mahawahan ng sakit na ito.
B. Pag-iwas na mahawa ng COVID-19
6. Magsuot ng face mask at face shield.
7. Mamasyal sa mall tuwing Sabado o Linggo.
8. Dumalo sa mga kasiyahan at pagdiriwang.
9. Palaging mag-obserba ng social distancing.
10. Hangga't maaari, manatili sa loob ng bahay.
B. Pagsunud-sunurin ang mga hakbang sa paglalaba. Isulat ang Una, Ikalawa,
Ikatlo, Ikaapat at Panghuli sa patlang.
11. Ihanda ang mga gamit panlaba tulad ng sabon, batya, timba at tubig. 12. Kusutin ang mga damit sa tubig na may sabon hanggang matanggal ang dumi.
13. Ilagay ang mga damit sa batyang may tubig at sabon. Unahin palagi ang puti bago ang may kulay.
14. Banlawan ang mga damit upang matanggal ang sabon. 15. Isampay ang mga damit upang matuyo.
C.Pagsunud-sunurin ang mga dapat gawin upang maging ligtas sa inuming tubig. Isulat ang mga hudyat na Una, Ikalawa, Ikatlo, Ikaapat at Panghuli sa patlang.
16. Pakuluan ang tubig.
17. Hayaang kumulo ang tubig sa lob ng limang minuto.
18. Pagkatapos ng limang minuto, hinaan ang apoy at pakuluan pa ito ng limang minuto.
19. Palamigin ang tubig sa ginamit ng kaldero o kaserola. 20. Ilagay ang malamig na tubig sa malinis ns lalagyan.