Pinadadali ng Imhr.ca ang paghahanap ng mga sagot sa iyong mga katanungan kasama ang isang aktibong komunidad. Tuklasin ang eksaktong mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na hanay ng mga eksperto sa aming madaling gamitin na Q&A platform. Tuklasin ang komprehensibong mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na hanay ng mga propesyonal sa aming madaling gamitin na platform.

Unawain Natin
Ang paggawa ng paper beads ay isang gawaing nakalilibang na maaaring pagkakitaan
kung gagamitan ng kaalaman sa paglikha ng mga palamuti. Ito ay nagmula pa sa bansang
Inglatera na ang mga kababaihan ay matiyagang nagbibilog ng maliliit na papel upang
makulayan at matuhog para gawing palamuti sa katawan gayundin upang maging palamuti sa
bahay tulad kurtinang gawa sa tinuhog na beads.
Nangangailangan ng masusi at matiyagang pagbibilog o pagrorolyo ng maliliit na papel
upang makalikha ng beads na kukulayan ng pintura at didisenyuhan base sa nais.
Maaaring tuhugin at gawing pulseras, kuwintas, palawit sa hikaw at iba pang palamuti sa
katawan at bahay ang nagawang tinuhog na beads.
Samantala, ang paper mâché ay salitang Pranses na ang ibig sabihin ay nginuyang papel
na gawa mula sa piraso ng mga papel o durog na papel na binuo sa pamamagitan ng glue,
starch o pandikit. Ang bayan ng Paete, Laguna ay kilala sa taka o paper mâché na siyang
pangunahing pinagkakakitaan ng mga mamamayan doon, pangalawa sa pag-uukit.
May dalawang paraan ang pagtataka o papier mache. Una, ang paggamit ng dinurog na
papel matapos ibabad sa tubig. Ito ay hahaluan ng glue at siyang gagawing taka. Ang ikalawang
paraan ay ang paggamit ng pinilas na mga papel at ididikit sa isang molde. Matapos mabuo ang
dibuho mula sa molde, tatanggalin ito mula sa molde at ididikit upang makabuo ng isang
proyektong may katulad na hugis sa moldeng ginamit.
Ang pagkamalikhain ng mga Pilipino ay masasalamin sa iba’t ibang gawang sining na
likha na matatagpuan sa ibat-ibang lugar sa bansa. Halimbawa na lamang sa bayan ng Paete
sa lalawigan ng Laguna kung saan ang isa sa pangunanhing hanap-buhay nila ay ang paggawa
ng paper mâché o taka. Marami sa mga taga Paete ay umunlad dahil sa pagtataka at marami
din ang nakapagtaguyod ng pamilya dahil sa hanapbuhay na ito. Ang mga kasanayan at
kaalaman sa paggawa ng mga likhang-sining tulad ng mobile, paper mâché at paper beads at
ang pagiging mapamaraan sa paglikha ng mga obra na maaaring mapakinabangan bilang
palamuti sa katawan at kapaligiran at mapagkakakitaan sa pamamagitan ng pagbenta dito ay
lubos na makatutulong sa sarili at sa pamilya.
Halimbawa ng Paper Beads, Paper Mâché at Mobile
Paper Beads Paper Mâché Mobile

Itanong:
1. Ano ang nasa larawan?
2. Ano ang pangalan ng likhang-sining na ito?
3. Ano-ano ang gamit sa paglikha nito?

Unawain Natin Ang Paggawa Ng Paper Beads Ay Isang Gawaing Nakalilibang Na Maaaring Pagkakitaan Kung Gagamitan Ng Kaalaman Sa Paglikha Ng Mga Palamuti Ito Ay Nag class=

Sagot :

Answer:

1:Paper beads at Paper Mache Mobile

2: i don't know tell your mother

3: i don't know that your mother i don't know what is answer