PANUTO: PILIIN ANG TAMANG SAGOT AT ISULAT SA PATLANG SAKOKU TREATY OF KANAGAWA CMDR. MATTHEW PERRY EMPERADOR MUTSUHITO
1. - Ito ay isang decree na ang layunin ay mapuksa o itanggal lahat ng mga impluwensiyang dayuhan. Kung sinumang Hapones ang gustong pumunta sa iba pang bansa, ay papatayin. Pinagbabawal din ang relihiyong Kristiyanismo. Pinayagan ang mga Chinese Merchants at Dutch East India Company na makipag-kalakalan sa Nagasaki lamang. Ang ganitong sitwasyon ng Japan ay nagtagal sa loob ng 200 na taon.
2. - Siya ang tinaguriang "Ama ng Steam Navy". Siya ay nanguna sa ekspedisyon na ipinadala ni Pangulong Milliard Fillmore upang makipag-usap sa mga shogun na buksan ang Japan sa buong mundo. Sinabihan niya ang mga pinuno na kapag hindi sila nakisama o pumayag sa kanyang gusto, magkakaroon ng digmaan. Pagkatapos niya ipresenta ang kanyang liham o kasulatan sa mga pinuno, pumunta siya sa Hong Kong at doon siya naghintay para sa sagot ng mga Hapones. Pagkatapos ng kalahating taon, bumalik siya sa Japan, at pinayagan siyang dumaong sa Kanagawa o Yokohama. 3. - Ito ay isang tratado (treaty) sa pagitan ng Estados Unidos at ng Hapon. Ito ay nilagdaan noong Marso 31, 1854. Ito ang nagwakas sa halos 220 na taon ng Sakoku, o isolasyon ng bansang Japan sa buong mundo. Alinsunod sa tratadong ito, binuksan ang mga himpilan ng Shimoda at Hakodate sa mga barkong pangkalakalan ng mga Amerikano. 4. Ito din ay tinatawag na Tokugawa bakufu. Ito ay ang huling piyudal na pamahalaang militar ng Japan, na namuno mula 1603 hanggang 1807. Ang tawag sa mga pinuno ay mga shogun. Ito din ang panahon kung saan nararamdaman na ng Japan ang impluwensiya ng mga Kanluranin 5. ay din kilala bilang Emperedor Meiji. Ang kaniyang buong pangalan ay Meiji Tennō, at ang kaniyang personal na pangalan na Mutsuhito. Siya ang ika 122 emperador ng bansang Japan mula Pebrero 3, 1867 hanggang sa kaniyang kamatayan noong Hulyo 30, 1912. Siya ang naging simbolo at nagpasigla sa malaking pagbabago na naganap sa bansang Japan sa panahon ng kaniyang pamamahala. Mula sa lipunang pyudal na sarado sa pakikipag-ugnayan sa ibang mga bansa tungo sa pagiging isa sa mga makapangyarihang bansa sa modernong daigdig. Nakilala ang pahanon pagbabagong ito sa katawagang Meiji Era. TOKUGAWA SHOGUNATE