B. Panuto: Basahing mabuti at tingnan ang larawan. Ano ang naunawaan mo sa iyong binasa at ipaliwanag ang mensahe na nakikita mo sa larawan. Sa pamamahal at pangangalaga sa kalikasan, nararapat nating tandaan na malaya nating magagamit ang mga ito sapagkat kaloob ito sa atin ng Diyos. Ngunit sa paggamit natin ng kalikasan, dapat din nating tingnan kung ito ba ay ginagamit nang tama o mabuti. Mayroon bang maaapektuhan sa paggamit natin ng kalikasan? Mabuti ba ang paggamit na ating isinasagawa? Ibinabahagi ba natin sa iba ang mga benepisyong nakukuha natin sa kalikasan? Paano naman ang ibang tao na umaasa rin sa tulong na nagmumula rito? Sa paggamit ng kalikasan, tayong mga tao na nasa modernong panahon ang magbibigay nang napakalaking epekto sa pamumuhay ng mga tao sa susunod na henerasyon. Dahil dito, kung kaya't nagkakaroon tayo ng obligasyong pangalagaan ang kapaligiran para sa mga tao ng susunod na henerasyon. Sabi nga ni Santo Papa Benedicto, ang planetang hindi mo isinalba ay ang mundong hindi mo na matitirhan. Kung kaya't sa maliit na paraan, gawin natin ang maaari nating magawa upang mapangalagaan at mailigtas ang ating kalikasan, ang ating mundo.