Answer:
1. Alamin ang suliranin.
2. Pag-isipan ang lahat na posibleng solusyon.
3. Isaalang-alang ang maaring ibunga ng bawat solusyon.
4. Tukuyin ang iyong personal at pampamilyang pagpapahalaga
5. Tukuyin mula sa pagpipilian ang pinakamabuting solusyon.
Explanation:
Mahalaga ang mabuting pagpapasya dahil ito ang desisyong nakakabuti para sa atin sa pang-araw-araw na pagiisip at sa kilos loob.
Kahalagahan ng Mabuting Pagpapasya:
• Nabibigyan ng sapat na aksyon o solusyon ang isang suliranin tungo sa pagpapabuti nito.
• Naiiwasan ang ang iba pang kaakibat o kaugnay na suliranin.
• Nagiging madali ang pag-abot sa mga layunin. Ang matalinong pagpapasya ay isa sa daan upang mapagtagumpayan ang mga naisin sa buhay.
• Nagkakaroon ng komprehensibong sukatan ng pag-abot sa layunin.
• Nagsisilbi itong gabay upang magkaroon ng malinaw na hakbang sa mga nakalatag na gawain.
• Natutulungan ang sarili na magkaroon ng tiwala sa mga hakbangin.