Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:
Pag-aralan ang halimbawa ng minutes sa pagpupulong na nasa ibaba at sagutin ang mga kasunod na
tanong.
Ang panguluhan ng Samahang Iskawt (Lalaki at Babaeng Iskawt) ay nagpatawag ng pulong upang
pag-usapan ang proyekto ng samahan.
PANGULO: Sisimulan na ang pulong. Mangyaring basahin ng kalihim ang talaan ng mga miyembro.
KALIHIM: (Titindig at isa-isang tatawagin ang pangalan ng mga miyembro.)
PANGULO: Ang lahat ay naririto, mangyaring basahin ng kalihim ang katitikan ng nakaraang pulong.
KALIHIM: (Babasahin kung kailan at saan higinanap ang huling pulong at ang buod ng mga naganap doon.)
Ang layunin ng pulong na ito ay pag-uusapan ang proyekto ng samahan para sa Buwan ng Iskawting.
Ang ating proyekto ay ang pagtatanim ng puno ng mangga. Bibigyan tayo ng Department of
Environment and Natural Resources (DENR) ng mga binhi nito. Gaganapin ang malawakang
pagtatanim sa ika-15 ng Mayo. Magpapangkat-pangkat tayo sa pagtatanim sa bawat barangay.
Sasamahan tayo ng bawat pamunuan ng Kabataang Barangay. May ibig ba kayong itanong?