Tuklasin ang mga sagot sa iyong mga katanungan nang madali sa Imhr.ca, ang mapagkakatiwalaang Q&A platform. Tuklasin ang libu-libong tanong at sagot mula sa mga eksperto sa iba't ibang larangan sa aming Q&A platform. Kumonekta sa isang komunidad ng mga propesyonal na handang tumulong sa iyo na makahanap ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at mahusay.

Performance Task in Araling Panlipunan 6 1. Pumili ng limang natatanging bayani noong panahon ng himagsikan. Isulat ang kanilang mga ginawa. 2. Maaari kayong maghanap sa internet subalit isususlat lamang ito at hindi printed material. 3. Isulat ito sa isang coupon bond.​

Sagot :

Answer:

Lapu-lapu

1.Si Lapu-lapu ang kauna-unahang pinunong Pilipinong lumaban sa mga mananakop na Kastila. Pinamumunuan ni Magallanes ang unang pangkat ng mga Kastilang nagtangkang sumakop sa kapuluan. Nang dumating siya kasama ng kanyang mga sundalo sa pulo ng Mactan, magiting na ipinagtanggol ni Lapulapu at ng kanyang mga tauhan ang kalayaan nila. Napatay si Magallanes sa labanang iyon kaya't itinanghal na unang bayaning Pilipino si Lapu-lapu ng bansa.

2. Jose Rizal

Si Rizal ang pambansang bayani ng Pilipinas. Dalawang kilalang nobela ang sinulat niya - ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Inilarawan niya sa dalawang nobelang ito ang kawalang-katarungan at pagmamalupit ng mga Kastila sa mga Pilipino. Binigyang-diin din niya ang pag-ibig sa bayan at ang kinakailangang kalayaan ng ating bansa. Hindi naibigan ng mga Kastila ang isinulat niya kaya't ikinulong siya at binaril sa Bagumbayan. Rizal Park o Luneta na ang tawag ngayon sa Bagumbayan.

3. Apolinario Mabini

Isang napakatalinong tao at may napakatibay na paninidigan si Apolinario Mabini. Kahit paralitiko siya, sumulat siya ng isang sanaysay hinggil sa mga tungkulin ng mga mamamayan sa Diyos, sa bayan, at sa kanyang kapwa-tao. naging tagapayo siya ni Heneral Emilio Aguinaldo noong panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano. Tinawag siyang Utak ng Himagsikan.

4. Emilio Aguinaldo

Si Heneral Emilio Aguinaldo ang unang pangulo ng Unang Rebolusyonaryong Republika ng Pilipinas. Sa kanyang tahanan unang itinaas ang bandila ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898. Ito ang araw nang ipinahayag niya ang kalayaan ng Pilipinas mula sa España.

5.Melchora Aquino

Si Melchora Aquino ay kilala rin sa pangalang Tandang Sora. Tinulungan niya ang mga Katipunero. Binigyan niya sila ng pagkain at tirahan. Inalagaan pa niya ang mga may sakit at sugatang Katipunero. Isa iyang matapang na Pilipino.

Explanation:

Tama po yan, pa brainliest po, salamat

Pinahahalagahan namin ang iyong oras. Mangyaring bumalik anumang oras para sa pinakabagong impormasyon at mga sagot sa iyong mga tanong. Salamat sa pagbisita. Ang aming layunin ay magbigay ng pinaka-tumpak na mga sagot para sa lahat ng iyong pangangailangan sa impormasyon. Bumalik kaagad. Ang Imhr.ca ay nandito upang magbigay ng tamang sagot sa iyong mga katanungan. Bumalik muli para sa higit pang impormasyon.