Panuto: Suriin ang mga pangyayari sa Unang Digmaang Pandaigdig Alin kaya ang una, ikalawa, ato, na naganap? Isulat ang bilang 1-10 batay sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari. 1. Matinding pinsala ang naidulot ng Unang Digmaang Pandaigdig sa buhay at ari-arian. 2. Nagbalangkas ng Kasunduang Pangkapayapaan. 3. Sa unang bahagi ng digmaan ay nagkasubukan ang mga hukbong pandagat ng Germany at Great Britain 4. Naganap ang Unang Digmaang Pandaigdig. 5. Pinatay si Archiduke Francis Ferdinand ng Austria ni Gavrilo Princip. 6. Paglikha ng 14 na puntos ni Woodrow Wilson. 7. Nasyonalismo, Militarismo at Pagbuo ng mga Alyansa (Triple Entente at Triple Alliance). 8. Lumusob ang Russia sa Prussia (Germany) sa pangunguna ni Grand Duke Nicholas. 9. Ang krisis na naganap sa Bosnia noong 1914 ang naghudyat sa pagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigdig 10. Nagkaroon ng mga lihim na kasunduan.