Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Gumuhit ng larawan ng isang tao. Sagutin ang mga sumusunod na tanong at isulat sa bahagi ng katawang kumikilos nito o kung saan ito makikita at kulayan ayon sa nakasulat sa bawat tanong. 1. Ano ang dalawang katangiang pinakagusto mo sa iyong sarili? Kulayan ng dilaw ang iyong sagot. 2. Ano ang isang kakayahan o kasanayang taglay mo ang nagpapasaya sa iyo? Kulayan ng bughaw iyong sagot. 3. Paano mo ipinakikita ang mga katangian o kakayahang ito sa iyong mga kilos? Kulayan ng pula ang iyong sagot. 4. Ano ang nagiging epekto ng mga kilos na ito sa iyo at sa ibang tao? Kulayan ang iyong sagot. Sagutin ang mga sumusunod: Madali mo bang nasagutan ang 1 at 2 na tanong? Bakit? 1. 2. Ano ang madalas na bahagi ng iyong katawan nagtataglay o nagsasagawa ng mga katangiang gusto mo sa iyong sarili? 3. Nasisiyahan ka ba sa epekto ng mga kilos mo? Bakit?