Madaling Maging Tao Pero Mahirap Magpakatao
Madaling maging tao pero mahirap magpakatao, isang katotohanang kayhirap tanggapin.Kung ating pag-iisipan, higit ngang mas madaling gumawa ng bata kaysa palakihin ito nang may tamang pag-uugali.Hindi ibig sabihin na kapag isinilang na ang isang tao ay may karapatan na siyang mabuhay sa kahit na anong paraan niya gusto.Ang magpakatao ay ang bukod tanging katangian (uniqueness) na nahuhubog habang lumalaki at tumatanda. Tandaan nating ang karapatan nating mabuhay ay may kalakip na obligasyon at rsponsabilidad.At hindi yon madaling tuparin.
Sa panahon natin ngayon, mahirap na talagang makahanap ng totoong tao. Laganap na ang pamemeke ng pagkakakilanlan.Sa mga ayaw maniwala pumunta kayo sa Recto. Kung nanonood ka talaga ng balita at kilala mo si Janet Napoles, kasama ang mga huwad niyang mga NGO,maniniwala kaldagdag mo pa ang ka double ng paborito mong artista sa isang teleseryeng inaabangan mo gabi-gabi