ARALING PANLIPUNAN 10
Home-based Learning Activity (Set B)
Aralin: Kahalagahan ng Pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu
Panuto: Basahin at unawain ang nilalaman ng
Gawain 1 Panuto: Basahin ang bawat isyu. Lagyan ng tsek () kung maituturing itong
Kontemporaryong Isyu at ekis (X) kung hindi. Isulat ang sagot sa patlang.
1.Paglaganap ng sakit sa bawat bansa dulot ng pandemya
2. Pagdami ng mga Overseas Filipino Workers sa bawat sulok ng bansa.
3. Pagkasira ng mga likas na yaman.
4. Kahirapan dulot ng kawalan ng trabaho ng maraming Pilipino
5. Paggamit ng pondo ng pamahalaan para sa pansariling kagustuhan.
Gawain 2 Panuto: Pumili ng sagot sa loob ng kahon. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
patlang.
A. Status
B. Social Group
C. Institusyon
D. Gampanin
E. Kultura
1. Ito ay ang pasalin-salin na kaugalian, tradisyon, paniniwala, sining, at pamumuhay
ng mga tao sa isang lugar.
2. Tumutukoy ito sa dalawa o higit pang taong may magkakatulad na katangian na
nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa at bumubuo ng isang ugnayang panlipunan
3. Ito ay tumutukoy sa katayuan o posisyon ng isang indibidwal sa lipunan.
4. Mayroon itong organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan.
5. Napapaloob dito ang mga karapatan, obligasyon, at inaasahan ng lipunan na
kaakibat ng posisyon ng isang indibidwal
Gawain 3. Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung ito ay nagpapahayag ng katotohanan at
MALI kung hindi.
1. Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong sama samang naninirahan sa isang
organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga
2. Ang Kontemporaryong Isyu o Current Issues ay tumutukoy ito sa anumang
pangyayari, ideya, opinion o paksa na tinatalakay sa kasalukuyang panahon.
3. Ang pamahalaan ay nagbibigay serbisyong panlipunan, nagpapatupad ng batas, at
naglilingkod sa mga mamamayan.
4. Nagsisilbing batayan ng ugali, aksyon, at pakikitungo ng isang indibidwal sa lipunang
kaniyang kinabibilangan ang kanyang paniniwala o beliefs.
5. Kung walang norms, walang magaganap na komunikasyon at hindi rin magiging
posible ang interaksiyon ng mga tao sa lipunan.
Gawain 4 Panuto: Gumawa ng Mind Map tungkol sa ascribed status at achieved status. (10 puntos)