Paunang Pagtataya Sa bahaging ito ay aalamin ang iyong pang-unang kaalaman, kakayahan at pang-unawa tungkol sa heograpiya ng Asya na kinapapalooban ng mga pisikal na katangian at likas na yaman nito. Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel. 1. Alin sa sumusunod ang nagpapaliwanag sa konsepto ng Heograpiya? A. Ang heograpiya ay tumutukoy sa pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig. B. Ang heograpiya ay ang pag-aaral ng wika at kultura ng isang pamayanan. C. Ang heograpiya ay tumutukoy sa pag-aaral ng distribusyon at alokasyon ng likas na yaman. D. Ang heograpiya ay pag-aaral sa pinagmulan ng tao. 2. Ilang kontinente ang bumubuo sa daigdig? A. 5 B. 6 C.7 D. 8 3. Aling rehiyon sa Asya napapabilang ang bansang Pilipinas? A. Timog asya B. Silangang Asya 4. Kung ikaw ay nakatira sa bansang pinagmulan ng mga K-pop songs at Korean drama, Aling bansa at rehiyon ka sa Asya napapabilang? C. South Korea sa Silangang Asya D. Qatar sa Kanlurang Asya A. India sa Timog Asya B. Thailand sa Timog Silangang Asya C. Timog Silangang Asya D. Hilagang Asya 5. Ang Asya ay binubuo ng limang rehiyon na nabuo batay sa pisikal, historikal at kultural na aspekto. Kung pagsasama-samahin ang mga bansa, alin ang mga bansang napapaloob sa iisang rehiyon? A. United Arab Emirates, Qatar at Iran B. North Korea, Nepal at C. Myanmar, Turkmenistan at Taiwan D. China, Indonesia at Uzbekistan Singapore 6. Ang kontinente ng Asya ay binubuo ng limang rehiyon na kinabibilangan ng Hilagang Asya, Timog Silangang Asya, Kanlurang Asya, Timog Asya at Timog Silangang Asya. Kung ikaw ang bibigyan ng pagkakataon na bumuo ng mga rehiyon, anong mga aspekto ang iyong isasaalang-alang sa paghahati ng bawat rehiyon? 2 Isasaalang-alang ko ang pamamaraan ng paglinang ng kapaligirang pisikal. B. Isasaalang-alang ko ang mga porma ng anyong lupa, anyong tubig sa lugar. C. Isasaalang-alang ko ang klima ng isang lugar. D. Isasaalang-alang ko ang aspektong historikal, kultural at heograpikal.