9. Alin sa mga pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng lugar bilang isa sa tema ng pag-aaral ng heograpiya? A. Ang Germany ay miyembro ng European Union. B. Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ang mga Kristiyano. C. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng karagatang Pasipiko. D. Ang Singapore ay isa sa mga bansang dinarayo ng mga mamumuhunan. 10. Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng araw sa buhay ng tao, halaman at hayop. Ano ang kinalaman ng araw sa kalagayang ito? A. ang araw ang nagbigay ng liwanag sa daigdig. B. ang araw ang siyang nagbigay ng liwanag sa buwan. C. napapanatili ng araw ang dami ng mga halaman sa kapaligiran. D. sa araw kumukuha ng enerhiya ang lahat ng may buhay sa daigdig. 11. Ang mataas na antas ng teknolohiya ay nagpabilis sa pagpunta ng tao sa mga bansang may magandang pasyalan. Ang pahayag na ito ay nagsasaad sa anong tema ng heograpiya? A. interaksiyon B. paggalaw C. lokasyon D. rehiyon