help rushh grade 5 tayain natin pleasee im ganna get grounded if i dont do this
Tayain Natin (Ebalwasyon)
Panuto: Bilugan ang letra nang tamang sagot .
1. Ito ay mga ideya at posibleng paliwanag na binuo ng mga eksperto batay sa
resulta ng kanilang pag-aaral.
A. batas C. panukala
B. dekreto D. teorya
2. Sinong siyentistang German ang naghain ng Continental Drift Theory ?
C. Max Planck C. Alfred Wegener
B. Grete Hermann D. Johannes Brahms
3. Ano ang tawag sa pagputok ng mga bulkan sa ilalim ng karagatan?
A. Mito C. Bulkanismo
B. Relihiyon D. Tulay na Lupa
4. Ayon sa Mito o Alamat, mayroon lamang maliliit na pulo noon kung saan may higanteng nakatira.
Saan matatagpuan ang kuweba na tirahan ng higante?
A. Ang kuweba ay nasa gitna ng ilog.
B. Ang kuweba ay nasa tabi ng karagatan.
C. Ang kuweba ay matatagpuan sa gitna ng Karagatang Pasipiko.
D. Ang kuweba ay matatagpuan sa tabi ng Karagatang Pasipiko.
5. May paniniwala at salaysay ukol sa pinagmulan ng ating daigdig, ang buhay at maging
sangkatauhan ay nilikha ng Diyos. Anong teorya ito?
A. Mito C. Bulkanismo
B. Relihiyon D. Continental Drift
6. Bakit nagkaroon ng Baguio City at karatig na kabundukan ng mga korales sa ating bansa?
A. Dahil sa mababaw na volcanic material.
B. Dahil sa paglitaw ng mga volcanic material.
C. Dahil sa pagtambak ng volcanic material mula sa pagsabog ng bulkan sailalim ng
karagatan.
D. A at B
7. Paano nabuo ang kapuluan ng Pilipinas batay sa Teoryang Tulay na Lupa?
A. Mula sa paglitaw ng malaking bato mula sa karagatan.
B. Nang biglang nag-away ang tatlong higante sa karagatan.
C. Pinaniniwalaan na nabuo ang tulay na lupa dahil sa tag-lamig noon.
D. Nabuo ang kapuluan ng Pilipinas nang matunaw ang mga yelong bumabalot sa malaking bahagi ng
mundo.
8. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga patunay sa Teoryang Tulay na Lupa,maliban sa isa.
A. Magkakatugmang rock formation at mga kabundukan sa South America at Africa.
B. Magkakasinggulang at magkakatulad ang mga bato sa Pilipinas at sa iba pang bahagi ng
Asya.
C. Magkakatulad na uri ng halaman, puno, at hayop sa Pilipinas at sa iba pang bahagi ng
bansa.
D. Mababaw na bahagi ng West Philippine Sea na nakapagitan sa Pilipinasat sa iba pang
bahagi ng Asya.
9. Paano nabuo ang daigdig ayon sa Teorya ng Relihiyon?
I. Pitong araw ginawa ng Diyos ang sansinukob.
II. Ang kapuluan ay sadyang ginawa ng mga siyentipiko
III. Isang makapangyarihang manlilikha ang gumawa ng daigdig.
IV. May tatlong higanteng naglaban upang mapatunayan kung sino sa kanilang makapangyarihan.
A. I at II C. II at IV
B. I at III D. III at IV
10. Paano napatunayan ng Teoryang Continental Drift ang pagkakabuo ng kapuluan ng
Pilipinas?
I. Pagiging akma ng hugis ng baybayin.
II. Pagkakatulad ng uri ng fossilized na uri ng hayop.
III. Magkatugmang rock formation at mga kabundukan sa South America at Africa.
IV. Magkakasinggulang at magkakatulad ang mga bato sa Pilipinas at sa iba pang bahagi
ng Asya.
A. I at II C. III at IV
B. I, II at III D. I, II at IV