Gawain sa Pagkatuto Bilang 3. Basahin ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa guhit bago ang bilang 1 Anong kultura o kaugalian ng mga Muslim ang masasalamin sa kuwentong bayang "Naging Sultan si Pilandok? A. Ang pagkakaroon ng kapangyarihan B. Ang paraan ng kanilang pamumuhay C. Ang pagkakaroon ng sultan bilang pinuno ng kanilang lugar D. Ang estado ng kanilang buhay na tanging mga mayayaman lamang ang pinapayagang manamit ng kulay ginto at tumira sa malalaking bahay. 2. Ano ang mensaheng mapupulot mula sa "Naging Sultan si Pilandok"? A. Maging tuso sa lahat ng pagkakataon. B. Huwag maniwala sa mga sabi-sabi. C. Matutong dumiskarte sa oras ng kagipitan at pangangailangan. D. Huwag maging gahaman sa kayamanan at matutong makunteto kung ano ang meron ka. 3. Ano ang masasalamin mula sa tagpuang binanggit at inilarawan sa kuwentong bayan na "Naging Sultan si Pilandok"? A. Masasalamin dito ang lawak ng kabundukan at kapatagan ng mga Pilipinong Muslim. B. Masasalamin dito ang mga Maranao na nakatira sa paligid ng lawa ng Lanao at napaliligiran ng anyong tubig. C. Masasalamin dito na pangigisda ang pangunahing pinagkukunan ng hanapbuhay ng mga Pilipinong Muslim. D. Masasalamin dito ang kayamanang taglay at kasaganahan sa buhay ng mga taong naninirahan sa Mindanao.