Gawain 1.1: Pagunawa sa mga salita sa pag-aaral ng Heograpiya Tulad ng pag-aaral ng iba pang paksa at agham, ang pag-aaral ng heograpiya ay gumagamit rin ng mga salita o terminolohiya na maaaring bago pa sa inyong kaalaman. Ibigay ang mga kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa ibaba batay sa binasang mga teksto sa itaas. Maaari ring gumamit ng iba pang sanggunian kung kinakailangan. 1. Ang kaalaman sa Heograpiya ay isa sa mga mahalagang disiplina sa pagtalakay ng mga araling Asyano. 2. Dahil sa lawak ng Kontinente ng Asya maraming uri ng flora at fauna ang matatagpuan dito. 3. Dahil sa lawak ng lupaing sakop ng Asya, iba't-ibang uri ng klima ang umiiral dito. 4. Ang bansang Indonesia ang tanging bansa sa Asya na direktang matatagpuan sa ekwador. 5. Maraming bansa sa Timog Silangang Asya ang nakararanas ng klimang tropical.