GAWAIN 2: WOF DIAGRAM Bigyang-pansin ang paksa sa pagbuo ng WQF Diagram na makikita sa ibaba. Itala sa kahong W (words) ang mga salitang may kaugnayan sa pagkonsumo. Sa kahong Q (questions), bumuo ng tatlo hanggang limang tanong na nais mong masagot tungkol sa pagkonsumo. Sa bilog na F (facts) isulat ang iyong mga bagong natutuhan tungkol sa paksa. Sasagutan lamang ang bahaging F (facts) pagkatapos ng aralin. Lahat ng kasagutan ay tatanggapin ng iyong guro at hahayaan kayong magbigay ng sariling kaalaman tungkol sa paksa. Iwawasto ang iyong mga kasagutan sa huling bahagi ng aralin, ang PAGNILAYAN. INANCIN- W PAGKONSUMO Matapos mong maisaayos ang iyong mga paunang kaalaman tungkol sa pagkonsumo, ihanda ang iyong sarili sa susunod na bahagi ng aralin upang higit mong maunawaan ang konsepto ng pagkonsumo.