B. Kompetensi: Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginamit sa talakayan. Panuto: Tukuyin kung anong sitwasyong pangwika ang tutugon sa mga sumusunod na pahayag. 1. Pangunahing titutugunan nito ang hilig ng tao sa musika at hingahan ng payo. 2. Media ng masa na karaniwang nagiging sensasyonal at bulgar ang gamit ng wika. 3. Itinuturing na magnanakaw ng isang tahanan dahl sa kapangyarihan nitong agawin ang oras ng pamilya. 4. Gumagamit ng daglat at tag-lish na wika sa komunikasyon. 5. Ito ang pinauso ni Ogie Alcasid at Miriam Defensor Santiago bilang uri ng malikhaing panitikang patula. 6. Pinakamaimpluwensiyang midyum sa kabataang nagtataglay ng mga katangian ng iba't ibang uri ng media. 7. Hinahango ang mga kaisipang nabubuo mula sa pinagdaanang karanasan ng tao sa lipunan. 8.Malakas ang paggamit ng diyalekto sa ganitong uri ng media. 9. Pinakabagong estilo ng pakikipagtalo. 10. Ito ang pinakapopular na paraan ng komunikasyon sa mga Pilipino.